Chapter 18: Galang

3.7K 107 33
                                    

From: Mika Reyes

Jeron sorry umalis ako nang di man lang nagpapaalam ng personal. Nagkaemergency kasi. Pero promise babawi ako sa'yo. Sorry talaga.

Jeron had been staring at the text message from Mika since he received it about an hour and thirty minutes ago. He was indeed a true gentleman for he felt not even an ounce of remorse for his supposed to be date that night, however, he couldn't deny himself of sadness. After all, he had so much expectations for that evening. He was hoping that he'd get to know more the lass that made him feel different. He knew that in a short period of time that they became friends, she was able to make him feel himself and not some basketball superstar. She saw him as who he is, no pretensions and no pressure. This were the reasons he asked Mika among all the ladies that he could have asked. It wasn't because he just simply had no one to ask. He wanted it to happen. He had actually been planning it all along that when Mika said yes, he almost jumped in utter happiness if not only for his superb self control and discipline. Unfortunately, he had never prepared himself for something like this and it wasn't as if he could have had a forseen that everything would changed in a snap.

"Hey man, that girl on twelve o'clock, near the buffet table, she's clearly hitting on you." Jeron was suddenly pulled out of his bubble when he heard Avo shouting at his ear amidst the loud music.

"Ha?" Was the only thing he was able to say as he was completely clueless to what had been happening around him so far.

"Pare tingnan mo 'yun oh, type ka yata. Lapitan mo na bago ka pa maunahan." Natatawang buyo pa ni Thomas na senegundahan naman ng iba nilang teammates. Kung iba lang siguro ang sitwasyon ay kanina pa n'ya sinakyan ang trip ng mga ito dangan nga lang ay alam n'ya sa sarili n'yang wala s'ya sa mood para sa mga ganung bagay, at least not tonight.

"Sige lang. Mamaya siguro." Tugon n'ya na lang sa mga ito habang pilit na nakangiti.

...

"Anak sigurado ka bang magiging okay ka lang dun?" Punong-puno nang concern na tanong ni Leandro sa kanyang panganay na anak na babae. Unang beses kasing magtatravel mag-isa ng anak kaya't hindi maiiwasang mag-alala s'ya.

"Syempre naman po. Kayang-kaya ko naman po ang sarili ko." Nakangiting tugon ni Mika sa kanyang mapagmahal na ama.

"Tetext ka agad pag nakarating ka dun ha? Tsaka mag-iingat ka palagi. Wag kang basta-basta magtitiwala kung kani-kanino." Lalong namang lumawak ang ngiti n'ya sa mga paalala ng kanyang ina.

Si mama talaga.

"Opo ma."

"Babalik ka naman sa Media Noche di ba?" Paniniguro pa nang kanyang ina bago s'ya tuluyang umalis.

"Siguro po." Wala kasiguruhang tugon n'ya. Hindi n'ya kasi alam kung gaano katagal ang aabutin ng pag-alis n'ya dahil na rin sa wala naman talaga s'yang konkretong plano. All she knew was that she needed this.

"Yow ingatan mo si my labs ko ah. Wag na wag mong hahayaang magasgasan." Bilin naman ng kanyang kuya bago pa lumungkot ang atmosphere.

"Ikaw talaga Perry. Mas mahalaga pa ba yang kotse mo kaysa sa kapatid mo?" Natawa na lang ang mag-aama dahil sa naging reaksyon ni Baby.

"Joke lang ma. Syempre mahal na mahal ko 'to kahit kapre." Perry continued to quip making the lass frown.

"Kuya makakapre ka naman dyan parang hindi ka mas matangkad sa akin." Mika complained at her already chuckling brother while their parents watched them with huge smiles. Bata pa lang kasi ang dalawa ay sadyang ganun na sila magmahalan.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin