Chapter 2: Mistake

3.6K 79 9
                                    

AN: Nga pala pag naka-italicize ibig-sabihin lang nun ay 3rd person's pov tapos yung makikita n'yong ganito *** ibig-sabihin lang nun flashback tapos pag nakabold na yun (e.g. *** ) end of flash back na. Humihingi nga pala ako ng paumanhin sa maaring maoffend sa dami ng mura na mababasa n'yo lalo na pag si Ara ang nagsasalita. Sinadya ko talaga yun. Pero wag kayong mag-alala dahil meron naman yung pinaghuhugutan. Hindi lang basta kasi trip ko XD.

Dedicated nga pala sa unang taong nakaappreciate ng gawa ko maliban sa sarili ko haha. Thank you po at umaasa ako na ipagpapatuloy n'yo ang suporta :) Salamat din sa mga silent readers kung meron man <3

Yun lang enjoy :D

________________________________________

-Ara's POV-

Gustong-gustong malusaw ni Mika ng sa wakas ay nagsink in sa kanya ang nangyayari. Oh well, hinahalikan lang naman s'ya ng isang Victonara Galang. No big deal except that she had no idea why on earth this Ice King would be kissing her plus the fact that it was her freaking first kiss! Which she has been keeping for the right person and the right moment. It was actually to give it to the man that would be waiting for her on the other side of the altar but unfortunately it was taken from her just like that. And she couldn’t believe that she could feel her internal organs doing something funny na para bang nagsisirkuhan ang mga ito. Kaya naman bago pa s'ya tuluyang masiraan ng bait sa mga nangyayari ay tinangka n'yang manlaban. Nariyang itinulak n'ya ito pero di man lang ito natitinag. Patuloy lang ang nasabing dilag sa pagangkin at pagsakop sa kanyang mga labi. Pinagkuyom na n'ya din ang mga palad n'ya at pinagsusuntok ang dibdib ng lapastangang nagnakaw ng first kiss n'ya pero wala pa din.

Unti-unti ay nakaramdam si Mika ng panghihina. Para bang naupos ang lahat ng lakas na meron s'ya. Pagod na s'ya. Pagod na pagod sa lahat ng nangyari sa buong magdamag. Isang mahinang suntok pa ang pinawalan n'ya. Nagbabakasakaling magkaroon ng himala at mapatigil nun si Ara sa kanyang ginagawa pero sino ba ang niloloko n'ya? Yung buong pwersa n'ya ngang suntok at tulak walang nagawa eh, yun pa kayang mahinang suntok n'ya na siguro ay mahahalintulad sa pitik ng isang batang paslit ang makapagpatigil sa huli? Pero ika nga, there is no harm in trying at isa pa desperada na s'ya.

Nang wala pa ding mangyari ay isinara na lang n'ya ang kanyang mga mata at hinayaang mas bumuhos pa ang kanyang mga luha na kanina pang tumutulo na animo'y bukas na giripo. Pikit mata na lang n'yang tatanggapin ang lahat dahil wala na rin naman s'yang magagawa.

Pero anak naman ng tinapa. Kung kelan naman s'ya tumigil sa panlalaban ay saka naman biglang tumigil sa paghalik si Ara. Kung alam n'ya lang sana, dapat pala ay kanina pa s'ya tumigil. Hindi na dapat s'ya nahirapan.

Para namang binuhusan ng tubig si Ara ng mapagtanto kung sino ang babaeng hinalikan n'ya ilang segundo lang ang nakakaraan. Nagtama kanilang mga mata at napamura s'ya ng malutong ng makita sa luhaang mata nito ang matinding takot.

"Shit! Shit! Shit!" Hindi malinaw sa kanya kung paanong napunta ang babaeng yaon sa kotse n'ya. Napaubob na lang si s'ya sa manibela out of frustration. Habang si Mika naman ay nanginginig at habol ang hininga dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi naman s'ya tumakbo pero pakiramdam n'ya higit pa sa sampung kilometro ang tinakbo n'ya. Hindi s'ya lubos makapaniwala na kani-kanina lang maayos ang buhay n'ya pero ngayon ang gulo-gulo na ng lahat at hindi n'ya alam kung paano nga bang bigla na lang s'yang napunta sa sitwasyon na yun.

"Leave" The girl behind the wheel suddenly ordered. Meanwhile, the other party looked at her with confusion. She was the one who dragged her there in the first place and now she's telling her to leave in the middle of that deserted road and in the wee hours of the night? Really, how heartless could she get. Mika could have followed in an instant if only there were still other modes of transportation roaming the area but there was none! She would have protested but she was too daunted and shocked.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now