Chapter 25: Little Things

2.9K 48 35
                                    

Pakibasa 'to. IMPORTANTE lang.

Noong chapter 12 ko pa sinabi na ayaw na ayaw kong may nagko-comment ng ud at update. Eh bakit andami pa ring pasaway? Respeto naman lalo na sa oras ko. Libre ang pagsusulat ko dito sa wattpad kaya as far as I know I don't owe anyone an update. As far as anyone's concerned, no one can demmand from me. Oh bato-bato sa langit, ang tamaan 'wag magagalit. Alam n'yo na kung sino kayo so be fully educated human beings and don't dare to commit the same mistakes again.

Mabait ako pero masamang masagad ang pisi ko. Dinaan ko na kayo sa santong paki-usap pero walang nangyari. Pag naulit pa ang ganitong kaso, pasensyahan na lang tayo. A little reminder folks, I don't give a damn if you would not pay even the slightest attention to my notes but threat this as a warning. DON'T PISS ME OFF! 

______________________________

Sabi nila, "No man is an island" at ang pahayag na ito ay pinatotohanan ni Maslow sa kanyang Hierarychy of needs. Ayon sa kanya, isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay ang acceptance, belongingness and affection bago maabot ang self actualization. Samakatuwid, hindi mabubuhay ang tao ng mag-isa. Ano man ang gawin n'ya at kahit gaano pa kainrovert ang isang tao kakailanganin at kakailanganin pa rin n'ya ng kasama. Sa madaling salita, gustuhin man natin ito o hindi, wala na tayong magagawa. It is an irrovocable law of nature that humans were born social beings. People mingle and make bonds not just by blood but by heart and soul. Kaya nga hindi na hindi na nakakapagtaka na lahat tayo may kaibigan.

Friendship is like the most generic relationship of all time. We may not notice it but we make friends in almost every stage of our lives, from the nearest neighbor, to that of our very first set of classmates in preparatory and through our elementary days, then there was high school and soon college was next and before we knew it we have colleagues at work. Kaya naman napakaimposible talagang walang kaibigan ang sinuman kahit isa lang. Aminin man kasi natin o hindi, basic na sa buhay natin ang salitang "kaibigan". It connects lives regardless of age, gender or status qou. Fluid kasi ang pakikipagkaibigan, parang pagmamahal. Hindi nangangailangan ng pamantayan o nadidiktahan ng lipunan, ika nga at sa dinami-rami nang pwedeng ipakahulugan sa salitang ito, ito ang para sa akin: A friend is someone who can make you feel at ease even in the worst circumstances that fate throws at your path, makes you feel home even in the most distant places and makes you feel... simply you.

But sometimes it makes me wonder how among the tons of friends we have; there would always be that someone, special to us. Yung tipong magkatinginan pa lang nagkakaintindihan na. Tipong mas madalas makakwentuhan, makasama, makakulitan at kung anu-ano pa. 'Yun bang parang mas kumportable kayo sa isa't-isa. Pero minsan, may mga pagkakataon din naman na hindi mo maintindihan kung paano at bakit kayo naging magkaibigan. 'Yun bang wala man lang kayong kahit anong something in common. 'Yung sumasakit na yung utak mo sa kakaintindi sa kanya pero andyan ka pa rin. 'Yung kahit gaano mo pa kagusto ng katahimikan ay makikinig at makikinig ka pa din sa mga kwento n'yang walang katapusan.

Gayan. Ganyan na ganyan kami ni Bang. Madalas, hindi ko s'ya maintindihan. Kakaiba kasi 'yung takbo ng isip n'ya. Minsan nga pakiramdam ko may kasama kaming five years old dahil sa kanya. Pero kahit ganun, s'ya 'yung may pagka-isip bata na hindi nakakainis. Ewan ko ba. S'ya 'yung matatawa na lang ako sa halip na ma-bad trip; 'yung sa halip na sermonan s'ya buong araw tungkol sa mga bagay-bagay ay ako na lang mismo ang gagawa para sa kanya kahit ang tanda-tanda na n'ya tulad ng paggising sa umaga kundi malelate s'ya, pagbili nang pagkain n'ya sa gabi dahil tamad s'yang lumabas pagpatak ng takipsilim, paghatid at pagsundo sa tuwing may meeting s'ya na inaabot nang kalaliman ng gabi at kung anu-ano pa; 'yun kahit gaano pa s'ya kakulit, kaingay at kagulo ay okay lang pero kung ibang tao na ay malamang, mabilis na akong nairita. S'ya kasi 'yun. Pagdating sa kanya, kaya kung okay lang lahat at kahit hindi, magiging okay para sa kanya. Magiging okay dahil s'ya 'yun.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon