Chapter 43: Cravings and Red Days

1K 32 7
                                    

-Mika's POV-

From Adlaw:

Yari, are you okay?

Mahigit 10 minuto ko na siguro tinitigan ang huling text ni Ara. Kanina pa kasi malamig ang mga reply ko kahit ang ayos-ayos naman ng mga text n'ya. Ewan ko ba! Kahit walang kongkretong dahilan, nairita ako. Hindi ko rin gets kung anong nangyayari sa akin. Parang gusto ko lang mamaluktot maghapon sa kama.

Maya-maya pa muli na namang nagvibrate ang telepono ko.

*One message received*

From Adlaw:

Yari?

Text n'ya uli. Siguro napapraning na 'yun pero tinatamad akong mag-explain kasi wala namang ieexplain. Argh... walang anu-ano'y initsa ko 'yung phone ko sa isang tabi. Feel ko ang isolation ngayong araw kaya mamaya ko na lang siguro s'ya itetext. Ipinatong ko na lang 'yung kaliwang braso ko sa mga mata ko. Gusto ko pa matulog. Pero wala pang isang minuto ay sumikdo na naman 'yung hapdi sa puson ko. Shitness overload! Goodness gracious. Why are women made to suffer like this? Ang ending, namimilipit na naman ako ngayon sa kama ko, Lunes na Lunes. I'm supposed to be in my clinic right now tending to my clients but since I couldn't make it out of bed, I just informed my secretary to cancel all sessions today. Kilala na naman n'ya ako at alam na n'ya kung anong idadahilan sa mga kliyente ko.

Nakipagtitigan na lang ako sa kisame para kahit pano madistract ko 'yung sarili ko. Letse kasi. I've been dealing with my period for the longest time pero di ko alam kung bakit ako nag-iinarte ng ganito ngayon. Syeteng hormones!

"Ah!" Napadaing ako sa sobrang sakit. I rolled myself into a ball and eventually sulk. Di pa ako bumabangon mula pa kanina. Hindi pa ako nakakapag-ayos man lang ng sarili. Shet, ang panget ko na.

Out of boredom, nag-online ako sa fb. Tamang-tama namang online si Cienne kaya s'ya ang kinulit ko.

Me: beh, tulooong! >_<

Wala pang limang segundo nagreply na ang gaga, mukhang bored din tulad ko.

Cienney Cruz: Oh anong problema mo?

Me: Ang panget ko na T_T baka maghanap ng iba si Ara huhuhuhu

Cienney Cruz: Wth! Pinagsasabi mong luka-loka ka? -_-

Me: Huhuhuhu sorry na. I have kasi...

Cienney Cruz: Aysus! PMS lang pala.

Me: Oo. Si Ara napagbuntungan ko huhu. Ayaw na n'ya sa akin. Di n'ya na ako love :(((

Cienney Cruz: Huwag ka nga. Itulog mo na lang 'yan.

Cienney Cruz goes offline...

Kaasar 'tong si Cienne. Lantakan ba naman ako ng offline? Parang di kaibigan eh. Anong gagawin ko ngayon? Ayoko sanang magmukmok lang sa kwarto ko na parang may lamay pero hindi ko talaga kayang tumayo. Tanginang period. Konti na lang talaga, ipapatanggal ko na matres ko.

Samantala, halos di na mapakali si Ara. Tinadtad n'ya ng text ang kasintahan pero ni isa ay hindi pinansin ng dalaga. Sumasakit ng ulo n'ya sa kaiisip pero hindi n'ya pa rin mahinuha kung bakit parang galit sa kanya ang dalaga. Nakatayo s'ya at nakatanaw sa floor-to-ceiling na glass window habang nasa kailaliman ng pag-iisip nang tatlong katok ang muling nagdala sa kanya sa kasalukuyan.

"Come in."

"Ma'am, here are the papers for our upcoming new projects." Si Kristine ang bumungad sa kanya.

"Salamat. Pakilagay na lang sa desk ko." Agad na tumalima ang butihing sekretarya n'ya ngunit nakakailang hakang pa lang asi Kristine nang tawagin n'ya ang pansin nito.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now