Chapter 41: You, Me, Us

1K 38 4
                                    

"On behalf of all the crew, my co-pilot Captain Cepada, and AirAsia, this is Wayne Vadros, your captain speaking. CX 956 has now boarded. Thank you for flying with us and we hope to see you again on our future flight." Anunsyo sa cockpit na takda ng pagtatapos ng mahaba-habang paglalakbay ni Mika. Payapa ang buong flight n'ya at kagabi n'ya pa nakausap ang mga magulang tungkol sa kanyang pag-uwi. Sa pagkakaalam n'ya, ang kanyang ama ang susundo sa kanya.

Sa muling pagtapak n'ya sa lupain ng kanyang inang bayan ay maalinsangang simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. Nasa Pilipinas na nga s'ya. Mainit, mausok, maingay, puno ng polusyon.

Mula sa departure area ay naglakad s'ya at sinuyod n'ya ang mga mukha ng mga taong naroroon. Hawak n'ya sa kanang kamay ang telepono at nakalapat sa kanyang tenga, kino-contact n'ya ang kanyang ama habang abala sa paghahanap ng kinaroroonan nito sa gitna ng di maubos-ubos na lupon ng mga tao. Nagkandahaba-haba ang leeg n'ya sa paghahanap habang tulak ang cart na naglalaman ng kanyang mga maleta, ang isa ay naglalaman ng mga gamit n'ya at 'yung isa naman ay puno ng pasalubong, pero hindi n'ya pa rin mahanap ang ama. Nakapagtatakang hindi n'ya rin ito ma-contact. Syempre pa, tuloy ang kanyang paghahanap ng mapatigil s'ya sa gitna. Ilang hakbang mula sa kanya ay natagpuan n'ya ang bulto ng isang tao. Masasalamin ang kaba sa mga mata nito habang hawak ang isang illustration board.

"Handa ka na bang tanggapin ang puso ko?" Tahimik n'yang basa sa nakasulat. Mula dun mismo, sa gitna ng mga nakakabulag na flash ng camera, ay madali s'yang lumapit sa naghihintay na pigura ni Ara at sinalubong ito ng yakap. And at that moment, she felt home.

 And at that moment, she felt home

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

...

Magkahawak-kamay sila, habang tigi-isa sila ng hilang maleta ni Ara, na nagtungo sa nag-iintay na sasakyan nito. Wala silang imik hanggang sa pagbuksan s'ya nito ng pinto at nagmaneho pauwi. Ramdam n'yang maya't maya ay ninanakawan s'ya nito ng sulyap pero hindi nagsasalita. Pinabayaan n'ya lang ito sa panaka-nakang tingin. Gusto n'ya ang namamayaning katahimikan sa pagitan nila. Komportable s'ya na magkasama lang silang dalawa. Actually she could get use to that. The two of them going nowhere as long as she's with her, she wouldn't be bored. Buong byahe ay tahimik s'ya at kahit traffic idagdap pa ang jetlag n'ya ay hindi s'ya nakatulog. Dala na rin siguro ng excitement n'ya na umuwi.

Inabot sila ng ilang oras sa daan at pagdating nila sa bahay ay agad s'yang pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Ara. Nakangiti s'yang lumabas habang ang huli ay hindi makatingin ng diretso sa kanya. Gusto n'ya tuloy matawa.

-Mika's POV-

How cute!

Tahimik silang naglakad papasok matapos nitong makuha ang mga gamit n'ya nang walang anu-ano'y muli n'yang pinaglakip ang kanilang mga palad. She felt Ara stiffen at the sudden contact but she didn't mind.

Kala mo ha.

But at the back of her mind, she would have never imagined that things would go in reverse. Dati s'ya 'yung parang ewan na natutula sa bawat gagawin nito pero ngayon biglang nabaligtad ang sitwasyon. Hindi n'ya akalain na mapatatameme n'ya ang isang Ara Galang. Kaya ganun na lang kalaki ang ngiting tagumpay n'ya.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now