Chapter 9: Scared

3.3K 69 26
                                    

"Oh my gosh! Oh my gosh! OH MY GOSH! Papasok dito si Ara."

"Talaga? Asan?"

"Ayun oh, 12 o'clock."

"Asan ang powder? Kelangan magretouch dali."

"Suklay. Pahiram akong suklay!"

Nagkakagulo na naman ang pinakamasusugid na fangirls ni Ara na walang iba kundi ang power ranger girls. Kasalukuyan kasi silang nagmemeryenda sa 7 eleven na nasa loob mismo ng Lasalle nang mamataan nila si Ara na naglalakad at mukang papunta din dun. Hindi naman nga sila nabigo dahil, di tulad sa Zerks na napahiya sila sa pag-aakalang lalapitan sila ng dalaga, sa pagkakataong ito ay kinampihan sila ng kapalaran at pumasok nga si Ara.

KLANG! KLANG!

Tumunog ang chimes nang pumasok si Ara dulot ng pagbubukas n'ya ng pinto. Sa pagpasok n'ya ay napalingon mapababae man o lalaki sa kanya. Nasa mata ng mga kababaihan ang malalagkit na tingin samantalang mababakas naman sa mata ng mga kalalakihan ang paghanga sa kanya. Hindi naman na iyon nakapagtataka dahil bukod sa pangalang dinadala n'ya ay napatunayan na din n'ya ang sarili sa business world sa napakabatang edad.

"Si Ara Galang oh."

"Kaya nga eh. Ang gwapo n'ya di ba?"

"Maganda din kamo."

"Gwapong-maganda."

"Alam n'yo kung s'ya lang din magiging girlfriend ko, magpapakatibo na ako para sa kanya."

"Ay girl hindi ka nag-iisa."

Ilan lamang yun sa mga bulong-bulungan ng mga kababaihan mula nang tumapak si Ara sa lugar. Mga bulong-bulungan na dinig na dinig n'ya naman. Pero hindi na lang n'ya pinansin ang mga iyon at pinilit ikinubli ang pagkairita sa mga babaeng harap-harapan kung pagtsismisan s'ya. Ang totoo'y ayaw n'ya sanang pumunta dun pero napilitan s'ya dahil nauuhaw s'ya, isa pa wala na s'yang stock ng Gatorade sa dorm. Iyun kasi ang paborito n'yang inumin. Kung baga sa bisyo yun ang kinaadikan n'ya. Bago pa tuluyang magdilim ang paningin n'ya sa mga walang tigil na nagtitsismisan tungkol sa kanya ay agad na s'yang kumuha ng isang bote ng Gatorade saka nagmental note na tawagan ang manager ng Gatorade Philippines para makabagpadeliver ulit ng ilang kahong Gatorade. Matapos random na pumili ng flavor ay dumiretso na s'ya sa counter para magbayad. Nakapila s'ya nang mapansin ang isang magazine na nakaagaw ng pansin n'ya. May caption iyon na: "The Tale Behind the International Interior Designer" at nakalagay sa rack na malapit sa counter. Tinitigan n'ya iyong maigi at biglang nagdilim ang kanyang aura palibhasa ay kilang-kilala n'ya ang nasa front cover. Hinding-hindi n'ya makakalimutan ang babaeng iyon.

Her looks, the way she dress and the way she smiles. She really did change a lot over the past 2 years. But there is one thing that remains the same.

Nang s'ya na ang magbabayad ay bigla n'yang kinuha ang magazine at isinama sa Gatorade na nauna n'yang pakay sa pagpunta dun. Matapos n'yang makapagbayad ay dumiretso na s'ya sa kanyang Audi. Sa loob ay tinitigan n'yang maigi ang magazine at kasabay nun ay ang tila ba ipu-ipong pagragasa ng nakaraan sa kanyang isipan.

Ara scanned through the pages, pausing every now and then as she stares at every picture of that magazine's front cover. Nang halos masaulo na n'ya ang halos lahat ng detalye sa babaeng hindi n'ya nakita kahit minsan sa loob ng dalawang taon-- mula sa mga mapupungay nitong mata, mapupulang labi, ang matamis nitong ngiti, ang pares ng perpektong kurba ng mga kilay nito, ang mapuputi nitong ngipin na lalong nagpatingkad sa ngiti nito, ang makinis nitong balat, balingkinitang pangangatawan at ang mahahaba nitong binti. Lahat ng katangiang yun ay parang ipininta ng isang sikat na artist nung Renaissance-- ay inihagis na n'ya ito sa shot gun seat. Kinuha n'ya ang bote ng Gatorade na marahas n'yang binuksan bago ininom nang dire-diretso ang laman nun. Matapos maubos ang kanyang Gatorade ay pinunasan n'ya ang kanyang nabasang nguso gamit ang kanyang braso saka n'ya pinaharurot ang kanyang sasakyan. Nagdrive lang s'ya ng nagdrive na parang walang patutunguhan hanggang sa makarating s'ya sa Batangas.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now