Chapter 34: Realizations Hit Like Bullets

1.7K 37 17
                                    

Sa dinami-dami ng mga nangyari ay pakiramdam ni Mika naging napakahaba ng araw n'ya at sa tindi ng mga halo-halong emosyong halos sumambulat na parang bomba sa loob n'ya ay hindi nakapagtatakang sakupin s'ya ng pagod. Nabalot ng katahimikan ang pag-uwi nila ni Ara liban sa pagtugtog ng stereo. Maya-maya pa'y dinalaw s'ya ng antok at tuluyang nilamon nito.

Ang pagtulog n'ya ay inabot ng higit kumulang 2 oras. Nang magmulat s'ya ng mga mata, ang pamilyar na Benavides Plaza ang tumambad sa kanya. Mas lalo pa s'yang nagulat ng madaanan nila ang pamosong, Arch of the Centuries.

Ilang beses s'yang napakurap para masigurong hindi s'ya pinaglalaruan ng kanyang paningin at habang tumatagal ay mas napapatunayan n'ya lamang lalo na hindi s'ya nasa isang panaginip lang. Totoo ang lahat ng nakikita n'ya at hindi s'ya pwedeng magkamali na nasa balwarte sila ng mga taga-España.

"Anong..." Manghang sambit n'ya.

"I know I've been a jerk this morning and. . . well, nasabi mo 'yung tungkol sa bestfriend mo. Ahm. . . hindi ko alam kung saan kita pwedeng. . . ihatid sa kanya. All I know is that she's from here since you've introduced us before. . .so yeah." Mika just stared at her, bewildered at her actions. Did the great Victonara Galang just stuttered and why on earth could she not look at her? She may have poor eyesight but was it also a tinge of redness she was seeing spreading through the latter's face? Indeed, she couldn't possibly believe what had just happened.

Seconds later, she had this sudden urge to hug Ara and she did. Of course, the respected business prodigy was surprised but there was no denying that she liked it. Actually, she loved the warmth of Mika's arms carefully molded around her.

"Thank you." Buong pusong pasasalamat ni Mika.

-Mika's POV-

She wasn't perfect and just like what she said, she was a bit of a jerk at times but she makes up for it in her own little ways.

...

"Text ka pag pauwi ka na para masundo kita."

"Di bale na. Magtataxi na lang ako." Tanggi ko sa alok n'ya.

"Nonsense!" Mabilis na sawata nito sa kanya bago bumaling sa matalik n'yang kaibigan.

"Jessey, right?"

"Yeah?" Nagugulumihinang tanong ng dalaga dahil di n'ya alam kung pano s'ya nasama sa usapan nila.

"Ahm...here's my card. I know it's a lot to ask but could you please inform me when she's about to leave?"

"Sure." Ngiting sagot ni Jessey sa kabila ng mga namumugtong mga mata.

"Thank you."

"Don't mention it. I know how my best friend can be stubborn at times." Nakangisi si Jessey na umakbay kay Mika.

"That, I very well agree." Sagot ni Ara pagkatapos ay nagtawanan ang dalawa.

"Umm guys. . .baka nakakalimutan n'yong andito lang ako." Nakanguso kong reklamo pero sa halip na pansinin ay lalo lang sila tumawa. Bwiset na mga 'to. Sila na agad ang close. Palibhasa parehong mga bully. Hmp!

"Sige na. Una na ako." Nakangiting paalam ni Ara.

"Sigurado ka bang ayaw mong pumasok muna sa loob?" Tanong ni Jessey.

"Di na. I bet you need some alone time." Ara flashed a genuine smile that almost melted Mika.

"Sige. Ingat." Sabi ni Jessey.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now