Chapter 42: Today and Tomorrows

1.4K 32 11
                                    

-Mika's POV-

"Ano ba talagang real score sa inyong dalawa?" Impatient na tanong ni Cienne sa kaibigan habang tambay sila sa Olympus coffee shop. Matapos ng unang beses na pagpunta nila dun ay binalik-balikan na nila ang dinadayong kapehan sa Bulacan sa punto na naging suki na sila ng lugar.

I heard Cienne mumbled something but I didn't quite catch her words as I was busy with my phone. "Huh, may sinasabi ka?" I asked as I turned her, my attention. Pero ang loka-loka inikutan lang ako ng mata.

"Ewan ko sa'yo. Magkasama na nga kayo halos minu-minuto, magkatext pa kung hindi naman kayo magkasama physically. Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't-isa?"

"Bakit ba ang bitter mo?" Naitanong ko na lang pagkatapos ay sumimsim ako sa iniinom na kape. Sabado ngayon at day off ko kaya hinatak n'ya akong lumabas.

"Pwede ba, hindi ako bitter." She retorted back.

"Sige. Sabi mo eh. Oo na lang." Nang-aasar na tugon ko.

"Makapagsalita ka, kala mo hindi ka galit-galitan dun sa tao for the past few years. Naaalala ko pa nga kung pano ka magdrama and all dati."

"Kaya nga ako nagbakasyon di ba? Plus it's all in the past Cienne. Pati masaya na kami ngayon—masayang-masaya." I said and I know my eyes mirrored my words.

"Speaking of which bakit kaya hindi ka rin mag-soul searching? Para mabawas-bawasan 'yang kabitteran mo sa buhay." Saad ko na mapang-asar.

"Hoy Mikang tantanan mo nga ako. Naging masaya ka lang sa love life mo, wala ka ng ginawa kundi kulitin ang buhay pag-ibig ko." Sermon n'ya na hindi ko na lang binigyan ng pansin. I know she'll come around. Kailangan lang pag-igihin ng manok ko.

"Teka nga, kayo na ba?" Pagkakuway tanong n'ya.

"Ahm... hindi, pa." Sagot ko at ang gaga bigla akong pinanlakihan ng mata.

"What?" Ekseheradang bulalas n'ya.

"Aba Aling Mikang, don't you think you're too old and long past the MU stage. Hindi na kayo teenagers at matagal ng overdue 'yang love story n'yo." I couldn't help but feel giddy with her discourse. Alam ko namang kahit ganyan s'ya magsalita ay todo suporta s'ya sa amin.

"Ang OA mo Ciennang. Kalma bes." Natatawang saway ko sa kanya.

"Sa totoo lang para sa akin kami na, dun pa lang sa airport kung saan kami pinagpyistehan ng mga netizens kasi akala nila nagpropose s'ya sa akin." Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ko 'yung tagpong 'yun. Malay ko ba naman kasing magtetrending 'yung pagsundo n'ya sa akin?

"Pero..." Untag n'ya sa akin. Hindi rin talaga makapag-intay ang babaeng 'to minsan.

"Hindi kasi s'ya nagtatanong, wala rin naman s'yang sinasabi. Also, it seems she's courting me."

"Wow. Excuse lang ah, 'yung buhok mo kasi natatapakan." Tinawanan ko na lang 'yung sinabi n'ya. Baliw talaga s'ya madalas.

...

Nag-inat-inat ako pagkatapos ng session ko sa isang kliyente. Pagkatapos ay minasahe ko ang mga balikat ko. Kapagod lalo na at kanina pa akong mga alas-7 nakaupo dito at nakikipag-usap. Pagtingin ko sa relo ko, lunch time na pala at parang on cue biglang pumasok si Shery.

"Delivery po doc." May nanunudyong ngiti sa kanyang labi habang iniaabot ang isang paper bag sa akin.

"Salamat Shery. Kain tayo."

"Sige po doc, salamat." Tugon n'ya pagkatapos ay lumabas na sa opisina ko. Ako naman ay excited na binuklat ang laman ng paper bag. Pagtingin ko ay may container na may lamang pagkain at may note na kasama.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now