Chapter 37: Truths and Bitterness

1.7K 52 11
                                    

5 years later...

-Mika's POV-

Titit Tit! Tit! Tit!

Naalimpungatan ako sa pagiingay ng alarm ko. Ilang taon ng ganito ang routine ko sa umaga pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Siguro dahil sadyang ipinanganak akong hindi morning person. Bantulot kong kinapa ang alarm clock sa bed side table. Nang mapatay ko na ay iminulat ko ang isa kong mata. Ala-5:30 ang nakarehistrong oras— sa parisukat kong itim na digital clock— ang walang kupas kong alarm sa nakalipas na limang taon.

Sa halip na bumangon na ay tumihaya muna ako at tumitig sa kisame. Tinatamad akong pumasok ngayon lalo't malamig ang panahon. Ang sarap pang matulog at magbalot sa kama pero alam ko namang hindi pwede kaya naginat-inat na ako— pampagising ng mga natutulog ko pang cells sa katawan. Mula sa higaan ay dumiretso ako sa cr at naligo. Nung ayos na ako ay agad akong nagbihis. Isang simpleng grey na collared shirt ang napili ko na ikinlose neck ko; faded jeans; at pares ng itim na vans na may maliliit na desinyo ng skull sa paligid. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at sinuklay ng bahagya ang maiksi kong buhok. Nang sa tingin ko ay presentable na ako ay saka ako lumabas ng kwarto. Palaging ganto ang ayos ko papunta sa clinic dahil sa tingin ko nakakatulong ito para maging at ease ang mga kliyente ko. Marami kasi ang naiintimidate 'pag nakasuot ang mga gaya ko ng doctor's gown. Mas okay na ang ganto para sa pakiramdam nila ay nakikipag-usap lang sila sa isang kaibigan; isang taong malapit sa kanila; at isang tao na makakaintindi.

Sa loob ng limang taon ay ganap nang psychologist si Mika at nakapagpatayo na s'ya ng isang clinic malapit sa kanila.

Pagdating ko sa kusina ay agad na pumailanglang ang nakahahalinang amoy ng kape. Para bang hinihila ako nito. Hindi talaga ako mahilig sa kape pero kapag nagtatrabaho na pala talaga ay malaking tulong ito para magising. Andun na din ang nakababata kong mga kapatid na sina Miko at Mikole. Pareho na silang nasa highschool ngayon. Grade 12 na si Miko. Konting kembot na lang ay gagraduate na din s'ya sa wakas ng highschool. Si Mikole naman ay nasa 2nd year pa lang o grade 8 kung tawagin nila. Busy silang dalawa sa pagkain ng agahan. Si mama di magkaintindihan sa pag-asikaso sa kanila. Nagsuggest na akong kumuha kami ng kasambahay para hindi nahihirapan si mama kaso tumanggi s'ya. Kaya naman daw n'ya at kahit anong kulit ko na wala silang dapat ipag-alala dahil ako ang magpapasweldo ay ayaw n'ya pa ring pumayag. Sa huli wala na akong nagawa kundi hayaan s'ya. Wala eh kasiyahan n'ya daw ang pagsilbihan kami.

"'Nak magdala kang payong, uulan yata." Sabi sa akin ni papa mula sa kanyang pwesto. Itinupi n'ya ang binabasa n'yang dyaryo at uminom ng kape.

"Opo." Sagot ko. This has been the typical senario at our house every morning. Hindi ko pa kasi naiisipang bumukod dahil malapit lang naman 'yung clinic sa bahay, mga 30 minutes away lang gamit ang kotse. Isa pa, para makatipid na rin. Wala pa naman akong pamilyang binubuhay para humiwalay sa kanila.

"Nak kumain ka na din dito." Sabi ni mama nung mapansing n'ya ang pagdating ko.

"Sige lang po. Magkakape lang ako." Hindi kasi ako sanay mag-agahan ng ganto kaaga. 'Pag nagutom naman ako, andun si Shery— ang sekretarya ko— para usaping bumili ng makakain sa tapat tutal may convenient store sa mismong tapat ng clinic.

"Dalian n'yo na Miko at Mikole, baka maiwan kayo ng school bus n'yo." Sita ni mama sa dalawa kong kapatid.

"Okay lang ma. Kay ate Ara na po kami sasabay, di ba ate?"

"Sure thing princess." Nakangiting tugon ng kumag. Sa nakaraang limang taon ay halos araw-araw s'yang nasa amin sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba dyan ang yaman-yaman pero daig pa n'ya ang laging nakikidayo ng kain sa amin. Nagsimula 'yun pagkatapos ng handaan nila sa Pampangga. Nung una ay nagulat pa ako pero kung halos araw-araw ba naman s'yang nakatambay dito, minsan pati ultimo dinner tinatapong pa s'ya ni mama, ay nasanay na rin ako. Feel at home na feel at home na nga s'ya dito. Sobrang close n'ya sa parents ko, parang s'ya pa 'yung anak sa aming dalawa. Pati mga kapatid ko mahal na mahal s'ya. Kahit si kuya nakuha n'ya ang loob. Magkompare nga sila eh. Kinontrata na s'yang maging ninang nang magiging first baby nila ni ate Shawn. Magdadalawang taon ng kasal si kuya. Wala pa nga lang silang baby dahil pareho silang busy sa kanyang trabaho. Magtatatlong taon na nang maging manager si kuya sa IT company kung saan humigit-kumulang 7 taon na s'yang nagtatrabaho. Habang si ate ay isang flight stewardees.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now