Chapter 3: Trouble

3.6K 65 1
                                    

AN: Grades are finally out whoooooh haha. At dahil masaya ako. Happy is not even enough to describe what I'm feeling right now. I'm estatic. CHOS! Haha. Pero masaya talaga ako at dahil dyan here's an update. Mainit-init pa. Fresh na fresh. 

PS. Tamad akong writer. I do edit sometimes but not thoroughly and I don't do proofreads. That is not my thing unless of course it's a paper that needs to be acomplished or else I'm dead with my profesor XD Kaya yung mga typo at grammar. Pakitawad na lang po ah hehe. Salamat. 

Enjoy :D 

<3

___________________________________________

Trouble

"Found her!" Tuwang-tuwang sigaw ng isang babae na akala mo eh nakajackpot sa lotto sa sobrang galak. Agad namang nagdambahan sa kama ang iba pa n'yang kasama para tingnan kung sino ang tinutukoy nito. Nagsiksikan sila para makita nilang lahat ang screen ng laptop, na may pagkasosyal ang dating dahil sa brand nitong Apple. Tumambad sa kanila ang profile ng isang babae na halata namang di nila friend.

"Sure ka bang s'ya yan sis?" May himig ng pagdududang tanong ng isa pang babae.

"Of course! Siguradong-sigurado. Wala ba kayong tiwala sa stalking skills ko?" Patutsada naman ng babaeng naunang magsalita.

"Magtigil nga kayo. Tayo ang magkakakampi dito remember?" Maarteng sabi pa ng isa na may kasama pang pagkumpas ng hituturo at paggalaw ng ulo na parang gumuguhit ng letrang Z sa hangin.

"Dali iscroll down muna." Singit naman ng isa pa.

Oo, kung iniisip n'yo ang iniisip ko. Sila nga yung mga feeling mean girls. Mga babaeng hanggang feeling sa lahat ng bagay (i.e. feeling sikat, feeling maganda, feeling artista, feeling VIP at kung anu-ano pang feeling na pwedeng maimbento).

Saglit lang at halos nagalugad na nila ang buong profile ng iniistalk nila. Hanggang sa kauna-unahang post nga yata nito ay kanilang naabot.

"Mika Aereen Marcaliñas Reyes, senior, AB Psychology, taga Bulacan blah, blah, blah. My goodness wala man lang tayong nakuhang kahit na anong interesting na fact tungkol sa kanya. Gosh this is such a waste of time!" Litanya ng isa sa power ranger girls habang paroo't parito sa loob ng kwarto (Power ranger kasi tumtugma naman sa bawat kulay ng mga buhok nila. Tulad na lang nyang nagsalita, s'ya si red ranger, na s’yang tumatayong lider ng grupo, dahil sa buhok n'yang naghuhumiyaw sa pagkatingkad-tingkad nitong pulang kulay).

Iniistalk nila si Mika dahil s’ya lang naman yung nakita nilang nilapitan ni Ara nung isang gabi sa Zerks at hinila palabas ng nasabing bar. Alam kasi nilang mula pa nung umalis si she-who-must-not-be-named, masakit mang aminin para sa kanila, ay wala ng ibang pinansin o nilapitan mapababae man yan o lalaki ang kanilang pinakamamahal na si Ara. Kaya naman naalarma sila sa biglang pagsulpot ng babaeng iyon.

 “Wait! Sis you gotta see this.” Sabat ni green ranger matapos kadramahan ni red ranger. At dahil sa sinabing yun ni green ranger, nagsiksikan naman papunta sa kanya ang iba pa para makita ang kung ano mang nadiscover nito.

“What!?”

“No way!”

Sabay na OA na tili ni red at blue ranger dahil sa nakita. Paano ba naman halos nasa friend list nitong si Mika ang halos lahat ng member ng Infinity. Ang Infinity ay isang 3 membered band na kinabibilangan ni Kim, basist; Camille, vocalist at guitarist; at Ara na nakatoka sa beatbox. Sa kasamaang palad ay in hiatus ang banda simula pa noong isang taon. Hindi kasi katulad dati ay hindi na sila tumutugtog sa kahit na anong events at ang sg ainumang  mag-imbita sa kanila ay agad tinatanggihan. Walang nakakaalam ng tunay na dahilan nang biglang pagpanig ng banda sa lime light at kasabay nun ay ang kaakibat na pagbabago kay Ara na mainit na tinanggap ng mga tao sa paligid. Mas lalo kasing lumakas ang dating at karisma n’ya. Bukod dun ay lubos din nilang ikinagulat pati ang kakambal ni Camille na si Cienne at maging ang malapit nilang kaibigan na si Carol na  parehong gumawa ng ingay sa fashion at model industry ay kasali din sa friend list nito.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now