Chapter 10: The Invitation

3.6K 81 12
                                    

"Maraming-maraming salamat iha." Buong-pusong pasasalamat ng mga magulang ni Mika kay Ara na kapapaliwanag pa lang ng mga nangyari.

"Wala po yun." Nakangiting sagot n'ya naman dito.

"Dito na muna kayo at antayin n'yo nang mag-umaga bago kayo umalis. Baka kasi mapano pa kayo kung magmamaneho kayo ng ganitong oras." Sabi sa kanila ni Mr. Reyes.

"Naku tito hindi na po. Kaya na po namin ang mga sarili namin." Nakangiting sagot ni Kim na feeling close na agad kung makatito.

"Sigurado ba kayo mga iha? Gabi na kasi at baka mapahamak pa kayo sa daan." Si Mrs. Reyes naman ang nagsalita.

"Opo. Kami na po ang bahala." Sabi naman ni Ara.

"Kung ganun ay mag-iingat kayo. Pasensya na sa abala at maraming-maraming salamat ulit. Tatanawin naming malaking utang na loob ang tulong n'yo."

Ngumiti na lang si Ara bago sumagot, "Sige po tutuloy na po kami." 

Matapos nun ay naglakad na palabas ang tatlong muskeeteers. Nakaakbay pa si Kim kay Ara habang nakangiti naman si Aly na nagmamasid sa huli.

"Hoy Victo marami ka pang dapat ipaliwanag sa amin." Sabi ni Kim kay Ara.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo. Pwede na kayong umuwi." Sagot naman ni Ara na tinabig ang kamay ni Kim paalis sa balikat n'ya.

"Ganun-ganun na lang yun? Pagkatapos ng ginawa namin?" Madramang sabi naman ni Kim habang si Aly ay tahimik lang at nanatiling nakamasid sa dalawa.

"Eh anong gusto mo? Thank you? Yan nasabi ko na siguro naman masaya ka na." Sarkastikong turan naman ni Ara.

"Ang hard mo naman Victo. Parang wala tayong pinagsamahan." Sabi pa ni Kim habang nakahawak sa dibdib n'ya na akala mo eh lovesick na naheartbroken.

Hindi na lang s'ya pinansin ni Ara at ipinagpatuloy ang paglalakad nang tahimik.

"Teka sabihin mo nga, magaan ba si Mika ha?" Tanong pa ulit ni Kim habang pinapagalaw-galaw ang kanyang mga kilay. Pero sa halip na sagutin ay naiiling-iling na lang si Ara habang pilit na ikinubli ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Pero lingid sa kaalaman n'ya, napansin pa rin iyon ni Aly kahit gaano pa s'ya kagaling magtago at lihim na nagdiwang ang huli dahil sa wakas ay totoong ngiti ang sumilay sa labi ng kaibigan at walang bahid ng  kahit na anong kalungkutan.

-Mika's POV-

Kinabukasan na nagising si Mika. Nakasuot na s'ya ng lab gown at may nakalagay ng swero sa kaliwang kamay n'ya. Maswerte ang mga doktor at tamang anti-venom ang naiturok sa kanya pero sa ngayon ay under observation pa din s'ya. Baka kasi mamaya ay magkaroon ng negative reaction ang katawan n'ya. Medyo namamaga pa din ang paa n'ya na kinagat ng ahas kaya naman nakaantibiotics s'ya na pinapadaan sa kanyang swero.

I woke up only to see everything around me in white and in that instant I knew I was at a hospital. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano  at bakit ako napunta dito. Ang huli kong naalala ay magkasama kami ni Ara. S'ya kaya ang... pero imposible yun.

Bigla naman akong natigil sa pag-iisip nang biglang bumakas ang isa pang pinto maliban sa pintong nagsisilbing pinakapasukan sa aking kwarto. Nasa bandang dulo yun na sa pakiwari ko ay pinto ng c.r. na iniluwa si mama.

"Anak, mabuti naman nagising ka na. Anong gusto mo? Gusto mo bang kumain ng kanin?" Tanong sa akin ni mama habang papalapit sa akin. Tanging iling lang naman ang isinagot ko sa kanya. "Tinapay?" Tanong n'ya pa ulit na muli ay sinagot ko ng iling.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now