Chapter 39: Hope

1K 28 0
                                    

Pasado alas-2 y media ay naalimpungatan si Mika at sa pagbukas ng kanyang mga mata ay ang payapang mukha ni Ara ang unang bumungad sa kanya. Malalim ang pagtulog nito na nakadapa sa kama habang nakayakap ang kanang braso sa kanyang bewang. Hindi n'ya napigilang pagmasdan ang maamo nitong mukha. Wala sa plano n'ya ang nangyari nang nagdaang gabi pero wala s'yang makapang pagsisisi sa kanyang puso maski katiting. Sa halip ay nag-uumapaw na ligaya ang nadarama. Ilang minuto n'yang pinagmasdan maamo nitong mukha at bago n'ya pa hindi mapigilang haplusin ang mukha ng huli ay bumangon na s'ya.

Sa kabila ng pagod at pananakit ng katawan ay maingat n'yang inalis ang nakadantay na braso ni Ara para di ito magising, saka s'ya naglakad palapit sa glass wall. Iniwan n'ya sa ilalim ng comforter ang kahubdan nito habang nakabalot sa kanyang katawan ang puting kumot. Tinanaw n'ya ang kalakhang syudad sa baba na napalilibutan ng iba't-ibang makukulay na ilaw. Nakahahalina ang tanawin, sapat para malibang saglit ang utak n'ya sa lahat ng bumabagabag sa kanya.

Ganun na lang ang gulat n'ya ng biglang may pares ng pinong braso ang pumulupot sa kanyang bewang.

"Bakit bumangon ka na?" Bulong ni Ara malapit sa tenga n'ya habang nakasiksik ang ulo nito sa kanyang leeg.

-Mika's POV-

I opened my mouth to say something but not a single word escapes my lips. Aaminin kong gusto ko ang pakiramdam ng nakakulong sa kanyang mga bisig pero ang lahat ng bagay ay may katapusan gaya ng kung anumang namagitan sa amin.

"Kailangan ko ng umuwi." Pinilit kong palamigin ang boses ko kahit sa totoo lang ay, nangiginig na ang mga tuhod ko.

Ramdam n'ya ang naghuhumindig nitong kahubdan na tila gumigising sa kung ano sa kaloob-looban n'ya pero pilit n'ya iyong iwinaksi. Hindi rin nakakatulong ang init na nagmumula sa hininga nito na para bang kumikiliti sa kanyang pagkatao.

"Pero masyado pang maaga. Besides, you must be exhausted from last night." Naglalaro ang kapilyahan sa tono nito. Halos umakyot tuloy lahat ng dugo n'ya sa mukha at para maitago ang kanyang pamumula ay bigla n'yang inialis ang pagkakayapos nito sa kanya. Mahirap na't baka bigla n'ya na lang itong masunggaban. Pagkakuway, isa-isa n'yang pinulot ang nagkalat n'yang mga damit.

"Sorry na love. Nagbibiro lang naman ako." Sabi ni Ara saka muling nagback-hug kay Mika. Muntik nang sumikdo ang puso ng huli dahil sa ginamit na endearment pero pinigilan nito ang anomang namumuong munting kilig sa kanyang sistema.

"Ano ba, Ara? Aalis na ako." Tila nayayamot na tugon n'ya matapos paluin ang brasong nakapulupot sa kanya. Di naman talaga s'ya galit, nadidistract lang s'ya sa mala-adonis na katawan ni Ara na wala man lang kahit kapirasong saplot. Hindi na nahiya sa kanya pero kunsabagay, wala naman itong dapat ikahiya. Ang hubog ng katawan nito ay 'yung pwedeng-pwedeng pagpyestahan sa isang kilalang magazine. Isa pa, nakakapaglalaway at nakakawala sa wisyo ang tindig nito sa kanyang glorya. Muntik naman nang masampal ni Mika ang kanyang sarili.

Syete Mika. Umayos ka. Hindi ito ang oras para magpantasya ka.

"Ihahatid kita."

"Hindi na. Kaya ko." Sagot ko habang nagbibihis sa harap n'ya. Hindi na ako nag-abala pang magpunta sa cr o itago ang aking sarili dahil para saan pa? Nakita n'ya na rin naman. Higit pa nga dun ang nagawa n'ya.

Habang abala s'ya sa pagbibihis ay mabilis na pumunta si Ara sa drawer ng bed side table. May kinuhang kung ano mula roon pagkatapos ay muli bumaling kay Mika.

"Mika." Marahan n'yang pagtawag sa dilag na katatapos lang magbihis. Hindi naman s'ya nabigo dahil dagli din itong humarap sa kanya.

NO!

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon