Chapter 22: Lethally Wounded

3.4K 84 25
                                    

-Mika's POV-

"AAAAAAAAAAaaaaaaaaaahhhhhh!!!"

Impit na tili ng dalaga sa loob ng kanyang kwarto. Naroong may patalon-talon at patakbo-takbo pa s'yang nalalaman matapos mabasa ang hindi inaasahang text. Hindi n'ya sukat maisip na itetext s'ya ni Ara, oo nga at isang simpleng "Good night" lang natanggap n'ya pero ang text ay isang text. Binasa n'ya ulit iyon at kulang na lang ay maghesterikal s'ya. Kunsabagay, ang nag-iisang Victonara Galang lang naman ang nagtext sa kanya. 'Yung babaeng tinitilian, hinahangaan at halos sambahin sa kanilang unibersidad. Ang babaeng nag-uumapaw sa pagka-hot at kagwapuhan.

Teka magrereply ba ako? Eh good night lang naman. Maggood night din kaya ako para fair o kaya ilagay ko same. Baka mamaya sabihin n'ya pa snob ako. Kung smiley na lang kaya? 

Mula sa mala-alapaap na pakiramdam ay bigla s'yang natigilan. Napaisip s'ya ng malalim kung kinikilig ba s'ya. Bago sa kanya ang salitang iyon dahil hindi pa s'ya nagkaroon nang manliligaw na maari sanang magpadama sa kanya nun at kahit sa mga naging crush n'ya ay hindi pa rin n'ya nararamdaman iyon sa kahit na sino. Para sa kanya ang konsepto ng kilig ay 'yung naririnig n'ya lang mula sa kwento ng kanyang mga kaibigan, nababasa sa mga libro o napapanoud n'ya sa tv. She never felt it raw and yet instead of feeling elated, the thought that she was feeling it for the very first time towards not just any other girl almost made her want to throw up in horror.

"Hindi 'to pwede Mika. Hindi pwede." Sabi n'ya sa sariling repleksyon pagkatapos maghilamos sa cr.  

Maya-maya pa ay pabuntong hininga s'yang nahiga sa kama. Focus na focus s'ya sa pag-iisip ng magandang ireply nang maisipan n'yang wag na lang. Kasabay nun ay ang unti-unti n'yang pagpatay sa kung ano mang sensasyong namumuo sa kanyang sistema. Alam n'yang hindi maaari ang kanyang kahibangan kaya't minabuti n'yang ngayon pa lang ay tuldukan na n'ya iyon. Unti-unti ay ipinikit n'ya ang kanyang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Sa pagdating ng panaginip ay umaasa s'yang malilimot n'ya ang lahat ng kabaliwang sumagi sa kanyang diwa.

Ang hindi n'ya alam halos kada isang minuto ay tinitingnan ni Ara ang kanyang cellphone para makita agad kung may nagreply na ba pero lumipas ang mga minuto hanggang sa naging oras ngunit wala pa rin. Naghintay s'ya ng naghintay hanggang sumapit ang hating gabi, na  lamang pagkatapos ay saka lang s'ya tumigil at nagpasyang matulog. Sa kapipilit ay nahuli din n'ya ang antok dangan nga lang ay hindi maipinta ang kanyang mukha. 

...

Alas-7:30 ng umaga ay gising na si Mika at halos 30 minuto na s'yang nakatitig lang sa kisame. Sinasanay n'ya kasi ang sarili na wag mapangiti sa tuwing naalala n'ya ang tungkol sa text ni Ara.

Ano na Mika. Ang akala ko ba titigilan mo na? Eh bakit daig mo pa ang high school na nagdadalaga kung makagangiti? Shit! I'm dead. I am seriously freaking dead. 

Naitakip na lang n'ya ang  mga palad sa kanyang mukha sa sobrang frustration. Hindi n'ya maiwasang isipin na tama nga si Sophocle, kung ano pa ang tinatakasan ay 'yun pa mismo ang matatagpuan. Such cruel fate she have. Maya-maya lang ay nagdesisyon na s'yang maligo, nagbabakasaling matatangay ng tubig ang lahat ng bumabagabag sa kanyang isip. 

UUUUUUUurrrrrghhhh

Kumakalam na ang sikmura ni Mika matapos makaligo. Alas-8:30 na kasi ng umaga pero hindi pa s'ya nakakapag-agahan. Palibhasa'y masyado s'yang nawili sa pagbababad sa shower.  Nang nakapag-ayos na s'ya ng sarili ay agad s'yang nagtungo sa restaurant sa baba at nagbreakfast. Paagkatapos n'yang mag-agahan ay napagpasyahan n'yang magexplore ng kaunti sa lugar. Gamit ang Google Maps ay pinili n'yang pumunta sa pinakamalapit na mall sa hotel. Swabe lang ang patakbo n'ya at talagang ini-enjoy n'ya ang kanyang mini joy ride. Hindi s'ya nagmamadali para mas mapagmasdan ang mga nadaanan at nang makapagtanong na din sa mga lokal kung tama pa ba ang direksyong sinusundan n'ya. Syempre, magaling na din 'yung nag-iingat at nagsisiguro s'ya. Kung ang tao nga nagkakamali, ang teknolohiya pa kaya na ito mismo ang lumikha? Pwedeng-pwede naman kasi, hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay 100% accurate ito. Sa huli, nging maayos naman ang naging road trip n'ya. Maya-maya ay naroon na s'ya sa mall. Tumagal nga lang ng halos trenta minutos ang pagdadrive n'ya palibhasa ay walang traffic.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now