Chapter 11: Payong

3.7K 92 17
                                    

It was a quiet Friday night yet instead of hanging out with friends and having fun Ara chose to stay at her own office in their company. She was busy with piles of papers as she prepared for her business meetings the next day. When her childhood friends suddenly came barging in. She wasn't really surprised because she already got used to it over the years. Before she would tell them to at least knock but they just wouldn't listen so she got tired of it and let them be.

"Ano namang kelangan n'yo?" She asked them without taking her eyes off the papers she was holding on both hands.

"Birthday ng kapatid ni Mika bukas. Sumama ka sa amin. Pupunta kami." Si Kim ang sumagot.

"Inuutusan mo nga ba ako?" Seryosong tanong ni Ara na sa wakas ay nag-angat na ng tingin sa kanila nang hindi binibitawan ang mga papeles. Parang bang hindi n'ya narinig kung ano ba talaga yung sinabi ng kaibigan sa paraan ng pagkakatanong n'ya.

"Come on Ara. Niyaya ka lang namin." Singit ni Aly na pilit pinapagaan ang sitwasyon.

"Then I'm not interested." Malamig namang sabi nito.

"Sige na Ara. Loosen up a bit man. Masyado kang uptight." Yaya pa ulit ni Kim pero mukang hindi man lang natinag kahit kaunti si Ara.

"Just make sure to lock the door when you leave." Yun lang ang sinabi nito saka bumalik sa pag-aasikaso ng samu't-saring papeles.

"Okay fine. Pero kung sakaling magbabago ang isip mo mag-iiwan na lang kami ng detalye sa sekretarya mo." Yun ang huling narinig ni Ara bago tuluyang sumara ang pinto ng kanyang opisina. Saglit s'yang napatingin dito saka s'ya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Matapos nun ay bumalik na s'ya ulit sa kanyang ginagawa. Kinabukasan wala s'yang ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang sandamakmak n'yang meeting. Nung umaga ay may meeting s'ya sa board kung saan napag-usapan lang nila ang patuloy pang tumataas na sales ng kumpanya. Nagpalitan din sila ng iba't-ibang opinyon patungkol sa kung paano pa ito lalong mapapataas. Nung bandang tanghali naman ay nakipagmeeting s'ya sa mga potential na investors. Saktong ala-una na s'ya nakakain ng lunch dahil sa sobrang busy n'ya. Pagpatak naman ng ala-1:30 ng hapon ay nagpunta s'ya sa isang corporate event. Hindi n'ya sana gustong pumunta kundi nga lang s'ya pinakiusapan ng kanyang ama na maging representative nito sa nasabing okasyon. Nagdesisyon na lang s'yang pagbigyan ang kanyang ama dahil naisip n'yang makakabuti din iyon para magkaroon pa lalo ng exposure ang kanilang kumpanya at oportunidad na din iyon para mas makakilala pa s'ya nang iba pang pwedeng maginvest sa kanila. On the way na s'ya sa Shangrila Hotel nang bigla n'yang tanungin ang kanyang sekretarya na prenteng nakaupo sa passenger seat  na katabi n'ya lang. Mas gusto kasi n'yang s'ya ang nagdadrive pero meron naman silang on call na driver palagi at ang sekratarya n'ya mismo ay isang skilled driver para may magdadrive para sa kanya kapag sakaling hiningi ng pagkakataon.

"Anong schedule ko pagkatapos nito?" Tanong n'ya sa kanyang sekretaryang si Kristine na halos apat na taon na ding nagbibigay-serbisyo sa kanya sa gitna ng kanyang pagmamaneho. Simula nung tumuntong s'ya ng kolehiyo ay naging mas hands on na ang naging pagtulong n'ya sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya kaya naman binigyan s'ya agad ng kanyang ama ng sekretarya at sariling opisina. Sa tagal na nilang magkatrabaho ay halos magkapatid na nga ang turingan nila. Nagkaroon nga lang ng konting pagbabago mula nang araw na yun.

"Ahm...wala na po ma'am. After this you are free to go." Sagot ni Kristine matapos icheck ang planner kung saan nakalagay lahat ng schedule ni Ara.

"Ah. Ano nga pala yung sinabi nina Kim sa'yo kagabi?" Pasimple n'yang tanong dito.

"Ano po yun ma'am?" Kunot-noong tanong naman ng kanyang sekretarya na tila naguguluhan sa tinuran n'ya.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat