Chapter 7: Lost

3.2K 59 5
  • Dedicated to parasalahatngkarashippers
                                    

AN: Sa totoo lang ang daming bumabagabag sa isip ko ngayon. Kailangan kong kumalma. Literally pero at the same time ang saya-saya ko. Salamat ng marami sa 500 plus reads. ang laki-laking achievement nun para sa akin at sa pagpaparanas  sa aking obra na mapasali sa 529th spot sa Fan Fiction. Siguro nga padulo pa yun o kung baga putot but who cares? Masaya na ako para dun. Sobra-sobra ng karangalan para sa akin yun at sa lahat ng sumusuporta sa gawang ito. Maraming salamat po. Utang ko po yun sa inyo. Kaya bilang pasasalamat. Heto ang isang update. Nawa'y magustuhan n'yo <3

_______________________________________ 

“Okay class, today ibibrief ko lang kayo tungkol sa camping natin. So, our destination is Mt. Makulot at Cuenca, Batangas. Babyahe tayo papunta dun ng Biyernes ng hapon tapos Lunes naman ng madaling araw tayo babalik. Bale 3 nights and 4 days tayo dun.” Panimula ni Mr. Mansalac habang matamang nakikinig ang kanyang mga estudyante.

Nagpatuloy sa pagbibigay nang DO’s and DON’T’s ang butihing propesor ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang isa pala sa mga estudyante n’ya ay kanina pa nilalabanan ang antok nito. Ang nasabing estudyante ay nakahalumbaba sa kanyang upuan at pilit nakikipagbuno sa kanyang mga talukap na kahit anong mulat n’ya ay bumabagsak at bumabagsak pa din. Halos daig na nga n’ya yung pinapandisplay na tumatangong aso sa sasakyan dahil sa paulit-ulit na urong sulong n’yang ulo sa tuwing napapaidlip s’ya. Ganun nang ganun lang ang nangyayari habang patuloy sa pagsasalita ang prof nila hanggang sa hindi na n’ya makayanan at tuluyan na s’yang napaubob sa kanyang arm chair.

The student was Jeron Teng, one of the star players of La Salle’s basketball team more known as Green Archers. He was really sleepy because he had an early morning training plus he just came from an exam right before this subject. He was really exhausted and he could hear his bed calling him from his very spot. He could have been resting right now if he did not take a PE subject since varsity players are given the prerogative whether to take PE or not as they are actually exempted from any PE courses. However, he decided to take Recreational Activities after hearing interesting stories about it from a friend.  

”And of course, don’t ever forget to enjoy ‘coz I tell you, camping is one of the top favorites of most of the students at the end of the semester.” Nakangiti pang dagdag ni Mr. Mansalac

“That’s all for today. You may go.” Para naming nananadya ang body clock ni Jeron dahil sakto namang kung kelan nagdismiss ay saka lang s’ya nagising. Pupungas-pungas at medyo nanlalabo pa ang paningin n’ya nang mapagtanto n’yang wala na palang yung propesor nila sa unahan at lampas kalahati na sa mga kaklase n’ya ang nakaalis na sa silid.

“Shoot!” He exclaimed quite surprised that he actually slept the whole period.

“Ms?” Tawag n’ya sa matangkad na babaeng akma nang aalis na nagkataong seatmate n’ya pala. Bumaling naman sa kanya ang tingin ng babae na mababakas sa mukha ang pagtataka kung bakit s’ya biglang tinawag nang binata.

“Pwede bang malaman kung anong sinabi ni sir? Nakatulog kasi ako.” Kakamot-kamot sa ulo n’yang pahayag.

“Ah. Tungkol lang sa camping tsaka kung ano yung mga dapat dalhin.” Sagot sa kanya nito ng nakangiti.

“Ah. Sa—“

“Kuya Jeron pwede bang magpapicture?” Naputol ang sasabihin ng binata nang bigla s’yang may marinig na tinig na agad naman n’yang nilingon at tumambad sa kanya isang masugid na fan na matyagang nag-aantay ng kanyang sagot. Kaakibat na nang pagiging miyembro nang isa sa mga corwd favorites na basketball team sa UAAP ang kasikatan lalo pa at lumikha na ng ingay sa collegiate sports ang pangalang Jeron Teng kaya naman normal na sa kanya ang malakabuteng fans na kung saan-saan sumusulpot para magpapicture at magpaautograph.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now