Chapter 27: The Moment She Became Hers

1.7K 33 8
                                    

Malambing si Bang. Sobra. S'ya 'yung tipo na mahilig bigla-bigla na lang hihilig sa balikat ng may balikat, mangyayapos, aabresyete at mandadamba. Daig n'ya pa 'yung mismong depinisyon ng salitang clingy. Kung ikukompara, walang sinabi ang isang bata o koala sa tindi ng level ng pagkaclingy n'ya. Lagpas langit kasi ang clingy meter n'ya. Ang hirap ireach. LOL.

Ika nga nila sa salitang balbal, touchy pero hindi sa puntong mapag-iisipan ng masama. Desente kasi s'yang babae at alam n'ya kung hanggang saan ang limtasyon n'ya. Katunayan ay lumalabas lang ang katangian n'yang iyon sa mga kapwa n'ya babae, that is...biologically speaking of course. Minsan nga lang, hindi man sadyain, ay nagiging problema 'yun sa mga tulad ko dahil. Hindi ko kasi maiwasan. Kahit ayokong lagyan ng malisya ay hindi ko talaga napigilan na mag-iba ang dating ng mga ganung kilos n'ya at sa dinami-dami ng pwede n'yang ikalambing, meron s'yang paboritong gawin na talaga namang ikinabulabog ng damdamin ko para sa kanya.

***

"Good morning beh." Hala eto na naman po kami sa #clingy session101 ng babaeng 'to. Hindi ko talaga magets kung bakit trip na trip n'yang basta na lang mangyayakap pagkakagising n'ya lalo na sa umaga. Madalas, magugulat na lang ako na may bigla na lang pupulupot na pares ng braso sa aking bewang at sisiksik na ulo sa balikat ko. But of course, hindi exclusive sa akin ang habit n'yang iyon. Lahat naman kasi kami ay nakaranas ng morning syndrome n'ya. Iyon nga lang, mabibilang sa daliri ang mga araw na hindi ako ang natyempuhan n'yang gawing life size teddy bear. Kunsabagay, ano pa nga bang magagawa ko? Perks of being one of her roommates plus the fact that I am an early morning person. It also happens that either most of our dorm mates already left by the time she woke up or they're still in dreamland. Ang ending,  ako ang malimit n'yang napagdidiskitahan. Kung bakit naman kasi halos magkatugma 'yung mga sched namin. 

"Magtigil ka nga. Mabuti pa, dumali ka na. Malalate ka na, oi." Walang bati-bati kong sabi sa kanya dahil gusto ko na agad mapaalis s'ya sa pagkakadikit sa akin. Isa't kalahating manhid din kasi s'ya. Ni hindi n'ya man lang mapansin na sa mga paganyan-ganyan n'ya ay halos malagutan na ako ng hininga. Hindi n'ya alam na sa halip na hangin ay napupuno ako ng mga nagwawalang paru-paro sa katawan sa tuwing maglalapat ang mga balat namin. Hindi n'ya marinig kahit katiting ang lakas ng pagrigudon ng puso ko gayong ang lapit-lapit n'ya na nga. Higit sa lahat, hindi n'ya randam kung gaano katindi ang epekto n'ya sa akin.

"Tinatamad pa akong kumilos, eh." Tingnan mo 'to. 'Yung mga dahilan n'ya talaga pang-out of this world at nakakalusaw ng utak. Hanep!

"Anong gusto mo? Alangan namang subuan pa kita?" Pabalang kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi? Pakainin mo ako beh." Isa pa 'yang mga patawag-tawag n'yang ganyan eh. Lalo tuloy akong tinatamaan. Tapos ang isang 'to hindi man lang makaramdam. Aba'y nung nagpaulan yata ang langit ng anesthesia, hindi n'ya lang sinalo lahat, nilaklak n'ya pa.

"Heh! Malaki ka na. Dun ka nga. Shuuu, shuuu." Pagtataboy ko sa kanya dahil pag nagtagal pa 'to baka malusaw na 'yung mga tuhod ko sa panghihina.

"Tss... Sungit!" Bulalas ni Shiela habang paalis pero malaki anf pasalamat ni Ara dahil nakahinga din s'ya ng maluwag sa wakas.

At least di katulad mong manhid! Gusto ko sanang isigaw sa kanya 'yan pero nah...sino bang niloloko ko? Sa duwag kong 'to, baka maputi na ang uwak ay di pa rin ako nakakaamin. Pero kapag ba natatakot ang isang tao sa kahihinatnan ng isang bagay ay nangangahulugan nang duwag s'ya? Hindi ba pwedeng, there's just simply too much to lose kaya hindi s'ya makapag-take ng risk? Katulad na lang sa business, hindi ba pag alam ng negosyanteng mas mataas ang tyansa na malugi s'ya ay pipili s'ya nung makapagbibigay sa kanya ng mas mataas na posibilidad na mabawi at mas mapalaki pa ang na-invest n'ya?

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now