Chapter 19: First of the many Firsts

3.5K 90 14
                                    

Dumiretso sina Mika kasama ang mga Galang sa hapag-kainan kung saan bumulaga ang malapyestang dami ng pagkain. Sa isang mahabang mesa na kasya ang labing dalawang tao ay naroroon ang iba't-ibang putahe. May sinigang na hipon, inihaw na bangus, ginataang saging, chapsouy, tapang baka at tocino. May mga helpers din na naglalagay ng mga utensils at nagsasalin ng juice sa mga baso. Maya-maya pa ay naupo na ang house head na si Teodoro Galang. Sa kaliwa nito ay dun umupo ang asawa habang sa tapat ng ginang pumwesto si Jun, sumunod si Mika na piniling sa tabi ng binata maupo para even out. Ayun nga lang katapat n'ya si Ara. Halos hindi tuloy s'ya makakain ng maayos.

"Mika tikman mo itong inihaw na bangus at ginataang saging. Paborito kasi yan nitong si Vic namin." Nakangiting alok ni Mrs. Galang sa kanya habang iniaabot sa kanya ang tagayan ng ginataang saging.

-Mika's POV-

Kaya naman pala.

Nasabi na lang n'ya sa sarili nang maalala 'yung inorder nang huli nung minsan silang naghapunan sa isang karinderya. Agad n'ya namang pinaunlakan ang mabait na may bahay kahit medyo naiilang s'ya. Para sa kanya kasi, ang makasabay sa pagkain si Victonara Galang ay isang bagay na pero 'yung makasabay ang buong pamilya n'ya? Ibang usapan 'yun at kanina pa nagpipigil ang dalaga dahil anumang oras ay para s'yang matutunaw o hihimatayin sa sobrang nerbyos. Hindi n'ya naman kasi, maski sa panaginip, pinangarap na makita nang personal ang pamilya ng mga Galang pero heto s'ya ngayon at kasabay pa sila mismo sa panananghalian.

"O-okay po."

"Mika subukan mo din 'to. 'Yan naman ang paborito ko. Ako din nagluto n'yan." Nakangiting pagmamalaki ni Jun sa kanya habang nilalagyan ng ilang piraso ng tocino ang kanyang plato.

"Thank you po." Nakangiti n'ya namang sabi dito.

"Naku wag mo na akong i-po. Bata pa ako at sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad natin." Sabi pa nito nang may ngiti sa labi na tinanguan n'ya lamang at nginitian ng alanganin bilang tugon.

"Kuya na lang itawag mo dyan Mika tutal magkaedad naman kayo ni Ara at apat taon ang pagitan nilang magkapatid." Singit ng ama nina Jun at Ara sa usapan.

"Magkaedad? Eh di graduating ka din pala iha?"

"Oo sweetheart. Naitanong ko kasi kanina sa kanya sa sasakyan." Si Teodoro ang sumagot sa tanong ng asawa.

"Ganun ba? Ano palang course mo iha." Tanong uli ni Elizabeth Galang sa dalaga sa gitna ng kanilang pananaghalian.

"AB Psychology po."

"Ah. Di ba mahirap yun? Buti kinakaya mo." Patuloy na komento ng ginang kay sa kan saya. S'ya naman ay nangiti lang bago sumagot. 

"Kailangan po eh." 

"Saan ka pala nag-aaral iha?" Si Mr. Teodoro Galang naman ang nagtanong. Pakiramdam tuloy ni Mika nauwi sa interview ang pagkain nila.

Patay.

Ayaw sana n'yang maitanong iyon dahil siguradong-sigurado s'yang mauungkat kung nagkakilala ba sila ni Ara na 'pag nagkataon ay hindi n'ya alam kung paano sasagutin. Hindi kasi s'ya ipinakilala ng huli na kahit ano. Hindi  sa naghahangad s'yang mangyari yun pero kasi roommates sila. Kahit man lang sana dormmates sinabi nito hindi ba? Hindi n'ya tuloy matantya kung sasabihin n'ya ba ang totoo dahil malamang naman na ayaw iyong ipaalam nito.

"Sa La Salle po." Medyo nagaalangan n'yang sagot.

"Talaga? Ayos ah. Dun din si Vic. Marketing Management naman s'ya. Hindi ba kayo nagkasalubong man lang dun?" Punong-puno ng excitement na tanong ni Elizabeth. Akala mo may natagpuan s'yang matagal nang nawawalang gamit sa sobrang pagkagalak.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now