Chapter 1

5.8K 209 30
                                    

GABRIEL.

LUMABAS na ako sa PC cafe matapos ang paglalaro nang mahigit dalawang oras. Tiningnan ko ang relo sa aking pulsuhan at ganoon nalamang ang gulat ko nang makitang inabot na pala ako nang alas-sais dito.

"Shoot! Yari ako kay Mama!" Bulong ko at dali-daling tumakbo pauwi.

Habang tumatakbo ako ay naagaw ng vending machine ang aking paningin. Tumigil ako sandali at hinabol ang sarili kong hininga.

Napahawak ako sa sikmura ko at napangiwi. Kinapa ko ang bulsa at napasuntok sa hangin nang mapagtanto na natira pang barya doon.

"Kung sinuswerte nga naman..." ngisi ko at lumakad palapit sa vending machine.

Inayos ko ang bag na nakasukbit sa aking likod bago hinulog ang tatlong five peso coin sa vending machine.

Napakamot ako sa batok nang mahulog ang isang piraso na chips. Kinuha ko naman ito at pinakatitigan.

"Magtiis ka self, computer ka nang computer, eh" tawa ko at naiiling na binuksan ito bago kinain.

AFTER eating my snack ay tumuloy na ako sa paglalakad pauwi. Madilim na ang paligid at bukas na ang mga lamp post sa kalsada. Kaniya-kaniyang pailaw din ng christmas lights ang mga tindahan at nadaraanan kong kabahayan.

Parating na kasi ang kapaskuhan. Naaaliw ako sa mga nakikita ko sa daan at pagala-gala ang aking paningin.

Hindi ko tuloy namalayan ang babaeng nakasalubong ko. Nabunggo pa ako nito nang bahagya sa balikat.

Pansin ko ang pagkabalisa niya at namumugtong mga mata. Siguro'y nasa edad kwarenta ito o higit pa. Maputi ang balat niya at tila may lahing banyaga.

"Ayos lang po kayo, Ma'am?" magalang kong tanong pero nilagpasan niya lang ako at nagtuloy na ulit sa pagtakbo.

Naiwan akong laglag ang panga sakaniya, nakalayo na ito ngunit natanaw ko ang patuloy na pagpunas nito sakaniyang mga matang luhaan.

"Weird" bulong ko at sinilid sa loob ng bulsa ng pants ko ang aking mga kamay.

Malamig ang simoy ng hangin at tinatangay ang buhok kong naka-student cut. Maigsi lang ito at tila pinagmumukha akong isang ulirang estudyante.

Well, I'm a good student naman talaga.

Running for highest honor pa nga. Medyo siraulo lang talaga, pero may hitsura at utak naman kahit paano.

PASIPOL-SIPOL ako habang tumatawid sa kalsada. Mas madilim sa parte na ito at wala nang masyadong tao.

Tinatanggal ko ang suot na student ID sa aking leeg nang may matanawan ako sa gilid ng kalsada.

"Pusa ba 'yon?" tanong ko sa sarili't napakunot ang noo.

Dahil pakialamero ako'y nilapitan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang hikbi nito habang papalapit ako.

"Mommy ko...Mommy!" iyak nito at nalaglag ang panga ko.

Dios mio, bata!

"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?" kalabit ko rito.

Ang liit niya, siguro ay nasa tatlong taon palamang ang batang babae. Nakasuot ito ng furry head gear.

Iyong sumbrero sa bata tapos may mabalbon na nakalawit sa dalawang gilid. May parang tenga iyon sa tuktok tsaka malambot ang texture na parang balahibo ng pusa.

Hindi ko alam ang tawag doon pero maraming bata ang may ganoong suot lalo na kapag nasa simbahan tuwing linggo.

"Waiting for my mama po" sagot nito, pulang-pula ang mga pisngi at ilong dahil sa matinding pag-iyak.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon