Chapter 17

3.1K 120 17
                                    

NASAPO ko ang sariling noo habang pinanonood silang dalawa. Si Commander at si Zoe kasi ay nandoon sa kusina at pinaghahanda ako ng pagkain. Magkatulong sila at inaayos talaga ang lahat para sa akin.

Abalang-abala ang mga ito at seryoso sa pagsasandok ng soup at paglalagay ng kubyertos sa lamesa.

Kanina nang tawagan ni Zoe si Commander ay naka loud speaker ito kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap nila.

"Hello, lolo Addi?" bungad ni Zoe kaya nakagat ko ang labi.

"Hello, Zoe? Bakit, may kailangan ka ba?" magiliw na tanong ni Commander sa babae.

"Si Kuya po kasi may sakit at maraming sugat, ang sabi ko po sainyo ay alagaan niyo siya d'yan hindi ba? Bakit po siya nagkasakit, hindi niyo po ba siya pinapakain nang tama?" sunod-sunod niyang tanong.

Nakamot ko ang batok dahil doon. Nakapamewang pa kasi si Zoe habang nakikipag-usap sa telepono na akala mo ay kaharap niya lang ang kausap.

Kunot noo ito at pinanlakihan ako ng mga mata nang akma kong aagawin ang telepono sakaniya.

Para na talaga siyang nanay.

"Ah, eh...kumusta ang kuya mo? Maayos ba siya?" pag-iiba ni commander sa topic.

"Hindi nga po siya maayos, ang dami niyang sugat at may sakit din po siya. Mataas ang lagnat," ani Zoe at ngumuso bago lumingon sa akin.

Sinenyasan niya akong umupo na agad ko namang sinunod.

Alanganin akonh ngumiti sakaniya sabay kagat nang ibabang labi ko.

Isang beses pa akong tumikhim at pinabukol ang aking dila sa loob ng pisngi ko upang pigilan ang ngiti na nais kumawala.

Tanggal angas.

"Ganoon ba? Pasensya na Zoe, Uhm...maaari ko bang kausapin ang kuy—"

"Hindi po pwede, nagpapagaling pa siya at aalagaan ko siya ngayon, pero kung gusto niyo po ay pwede kayong pumunta rito sa bahay namin, tatay Addi..." malamyos na aniya at kinagat ang kuko niya sa daliri.

Tatay Addi...

Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya, kahit nga si Commander ay nagulat sa biglaang imbitasyon niya. Napakurap ako at balak nang agawin ang telepono kay Zoe pero sinamaan niya ako ulit nang tingin.

Natutop ko naman ang labi at nanahimik nalang.

Hindi pa rin sumasagot si Commander kaya kinabahan ako, hindi ko alam pero mayroon sa loob loob ko ang nagsasabing nais kong makita si Commander at gusto kong pumayag siya na pumunta rito sa amin.

Pero nang hindi pa rin siya sumasagot ay napayuko ako. Tila may kung anong nasaktan sa kalooban ko at nadismaya sa hindi malamang dahilan.

Ayaw ba ni Commander na puntahan kami rito?

"I'll be there in ten, sabihin mo sa kuya mo ay 'wag muna siyang kumilos-kilos, sariwa pa ang mga sugat niya." saad anito matapos ang ilang minuto na pananahimik at pinatay na ang tawag.

Napatunghay naman ako at lumawak ang ngiti. Pumayag siya!

Pupunta si Commander! Parang tanga ako na tuwang-tuwa at humalakhak pa habang niyayakap si Zoe.

"Thank you!" wika ko at pinaulanan ng halik ang mukha niya.

"Ehh? Bakit ka nagpapasalamat?" nagtataka niyang tanong.

Ngumiti lang ako at muling tumawa. Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya ngayon, Little doll...pero masaya talaga ako dahil inimbita mo na pumunta rito si Commander.

Adopting The Criminal's DaughterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu