Chapter 37

3.2K 114 15
                                    

ADDISSON.

KASAMA ko ang buong pamilya ko upang mag-bakasyon kasama ng aking mga kaibigan. Sakay kaming lahat ng isang bus na minamaneho ng isang family driver. Nakayakap sa akin ang anak kong bunso at malambing na sinisiksik ang ulo niya sa leeg ko.

"Are you sleepy, baby boy?" ngisi ko at nagkusot naman siya ng mata bago tumango.

"'Asan kuya, Dada?" maliit ang tinig na tanong niya.

"Kasama ni Kuya Gabriel mo, naroon sa dulo" sagot ko naman at hinawi ang buhok niya.

Gwapo ang aking anak. Manang-mana sa Ama. Napangiti ako habang minamasdan ang kulay abo at tsokolate niyang mga mata. Magkaiba ang kulay ng mga mata niya, matangos ang ilong at namumula ang labi habang may pagka-moreno ang kulay ng balat tulad ko. Sa edad rin na tatlo ay halos kasing taas na niya ang kaniyang kuya na walong taon.

"Anong gusto mo maging paglaki, Aidan?" tanong ko.

"I want to be like you po, Dada" masaya niyang sagot at kinagat ang labi niya bago nagkamot ng batok.

"A CEO? You'll run the company too kapag big boy ka na?" natutuwa kong tanong at tumango naman siya.

"DADA!!" dinig kong tawag ng panganay kong anak mula sa dulong parte ng bus.

Agad naman akong lumingon doon at tumayo kasama ang aking bunsong anak.

"Dada, maglalaro po kami ni Gabriel...gusto naming isali si bunso" nguso ng walong taon kong anak na panganay.

Natutuwa namang bumaba agad mula sa braso ko si Aidan upang makipaglaro sa kuya niya at sa anak ni Arkiel na si Gabriel. Iniwan ko sila roon at naglaro sila ng mga laruang kotse.

Ang panganay kong anak na si Ashden ay kasing edad lang din ni Gabriel, ang nagiisang anak ni Arkiel at Gabrina. Magkakasundo ang tatlo at parating magkakalaro. Binilinan ko silang 'wag mag-aaway bago ako lumapit sa kaibigan kong si Arkiel.

"Tulog na ang mga asawa natin" iling niya.

Natawa naman ako at tumabi sakaniya. Nilingon ko ang nasa bandang unahan namin at napangiti. Natutulog ang maganda pero masungit kong asawa habang yakap ang unan na niregalo ko pa sakaniya noong first anniversarry namin bilang mag-nobyo at nobya.

"Ang ganda talaga ng asawa ko, Kiel" wika ko at natawa naman siya.

"Mas maganda asawa ko" aniya at ayaw patalo.

Nilingon ko naman ang natutulog din na si Gabrina sa tabi ng asawa ko. Masungit pareho ang mga iyan. Mukha lang mababait kapag tulog, tapos 'pag gising parang dragon...na maganda.

"Mukha silang mabait 'pag tulog" iling ko.

"Sinabi mo pa, tapos kapag nagising naman ay...alam mo na" aniya at sabay kaming natawa.

"Mabuti nalamang at alam ko kung paano kakalmahin" malokong ngisi ko.

Ngumisi din naman siya bago kami sabay na napahagalpak sa kalokohang nasa isip namin. Habang nagtatawanan ay naagaw ng malakas na iyak ng sanggol ang pandinig namin.

Tumayo kami ni Arkiel at nilapitan ang asawa ng isa pa naming kaibigan. Mukhang hirap na ito sa pagpapatahan sa anak habang hinahaplos ang likod ng bata.

"Siraulong Alonzo talaga, nasaan na ba ang tarantado?" biro ni Arkiel at tinulungan namin ang asawa ng kaibigan.

"Biglaan kasi ang pagkikita nila ni Papa, pero susunod naman daw siya" sagot ni Zarina, ang asawa ni Alonzo.

Ang tinutukoy nitong papa ay ang sundalong Ama ni Alonzo. Naalala ko tuloy ang anak kong bunso na si Aidan, idolo niya kasi ito, si Herbert Lewis. Totoo namang kahanga-hanga ito. Mabuting tao kasi at talagang malaki rin ang respeto ko para rito. Kapag dadalaw kami sa bahay nila ay todo asikaso iyon sa amin.

Adopting The Criminal's DaughterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ