Chapter 12

3.2K 142 35
                                    

"I WANT to training for the next examination, Commander" seryosong ulitko nang hindi ito magsalita at nanatili lamang na nakatingin sa akin.

Nalaglag ang panga ni Commander at nang muling makabawi ay kumurap ito. He cleared his throat and looked me dead in the eyes.

"Sigurado ka ba riyan sa gusto mo, hijo?" tanong nito, pumaling ang ulo pagilid habang sinisilip ako.

"Opo" mariing tugon ko.

"Ang training para roon ay mahirap at baka mapaano—"

"Kaya ko po, Commander" putol ko sa iba pa niyang mga sasabihin.

Ngumisi siya bago naiiling na lumapit sa akin. May kung anong kislap ang mga mata niya na hindi ko mabada. Tinapik niya ang balikat ko saka hinawakan ito nang mahigpit upang iharap ako sakaniya nang mabuti.

"Pinabibilib ako ng tapang mo, Gabriel" ngiti niya at mahinang tumawa.

"Nang una palamang kitang nakausap sa loob ng office ko sa eskuwelahan ay alam ko na kung gaano kalaki ang potential mo, pero itong ipinapakita mo sa akin ngayon...nalampasan mo ang mga expectations ko" naiiling nitong saad at may bhin pa rin nang tuwa ang mga mata niya.

"Seryoso po ako, Commander. Gusto ko po talagang sumali sa susunod na training at patutunayan ko po sainyo na kaya kong matapos ito nang hindi namamatay" desperadong ani ko at tumitig sa mga mata niya.

"Alam mong nakamamatay ang training" aniya at tumango ako. "Kung ganoon ay bakit ka pa tutuloy?" kuryosomg tanong niya.

"Dahil ito po ang gusto ko, ito rin ang gusto ng puso ko at naalala ko ang sinabi ni Papa noong nabubuhay pa siya na...alam niyang hindi ko raw po siya bibiguin kapag nasa tamang edad na ako...at para rin po protektahan ang nag-iisang tao na nanatili sa tabi ko noong mga panahong gusto ko nalang maglaho dahil sa hirap at pagod na nararamdaman ko..." mahaba kong tugon at napayuko.

Isang luha ang pumatak sa mata ko kaya agad ko iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko. Huminga ako nang malalim at tumikhim para alisin ang nagbabara na kung ano sa lalamunan ko. Tumingin ako kay Commander at isang humahangang ngiti lang naman ang ibinigay niya sa akin.

"Ang Papa mo...kailan siya namatay?" tanong nito.

"F-Five months ago po" sagot ko at napa-yuko.

Tila may sumaksak sa puso ko nang muling mabuksan ang usapan tungkol kay Papa. Pilit ko nang tinatanggap ang pagkawala nila, pilit kong iniiwasan na mapag-usapan namin sila ni Zoe. Gusto kong tanggapin na wala na sila para maka-usad kami sa araw-araw.

Ngayong nagtatanong si Commander tungkol sa kaniya ay parang bumalik sa akin ang sakit na hindi naman talaga umalis kahit-kailan.

"Gabriel...ang Mama mo...please tell me na buhay pa siya" anito at hinawakan ang pareho kong mga balikat, mas mariin kaysa sa nauna.

"S-Sabay po silang n-nawala" sagot ko.

Umiwas ako ng tingin at hindi ko na napigilan ang mga luha na nag unahang umagos mula sa mga mata ko. I tried to stop my tears from falling but I just end up crying and sobbing in front of him.

Bahagya akong napatigil nang bitawan niya ang balikat ko para lang yakapin ako nang mahigpit.

Nanigas ako pero sa huli ay yumakap din ako pabalik. Tinapik niya ang likod ko. Marahan, paulit-ulit at maingat na tila ginagamot ang sugat sa aking puso.

Makaraan ang ilang minuto ay pinakalma niya ako. Tumahan ako agad dahil nakakahiya at nabasa ko pa ang balikat niya.

"You were always laughing with the others the last months, bakit mo pinigilan at inipon lamang ang mga luha mo nitong nakaraan?" tanong niya at malungkot na pinagmasdan ang aking kalagayan.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now