Chapter 38

3.1K 117 8
                                    

TAHIMIK lang ako habang pauwi kami ni Zoe. Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman. After he tells me what exactly happens ay tila nalito ang buong pagkatao ko. Parang ayaw rin mag sink-in sa utak ko ang lahat.

"Isn't it amazing, little doll? My name is not Gabriel...I'm not Gabriel" saad ko at tumawa ng hilaw. "In my 30 years of living, Oh scratch that! I'm not 30 years old either" iling ko at bumukol ang aking dila sa loob ng pisnge.

Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay namin bago ako dumukdok sa manibela. Tumulo ang panibagong mga luha mula sa mata ko bago ako tuluyang napa-hikbi habang nakayuko. Naramdaman ko naman agad ang pag hagod niya sa likod ko at maya maya ay nakayakap na siya sa bewang ko.

"My name's Aidan at 25 years old palang ako?" wika ko habang napapailing. "Pati ba naman pangalan at edad ay hindi totoo, tangina" gigil na saad ko at nasuntok ng malakas ang manibela.

Hindi malaman ni Zoe kung paanong alo ang gagawin niya kaya tahimik nalamang niyang sinakop ng palad niya ang mga kamay ko. She kissed my forehead at tulad ko ay umiiyak na rin siya.

"Tahan na...don't hurt yourself" aniya habang lumuluha at hinalikan din ang kamao kong namumula.

Napaiwas ako ng tingin at bumungad sa akin ang araw na sumisikat na. Inumaga na kami sa byahe. Kahit na naguguluhan pa rin ako sa mga nalaman ko ay pilit ko nang piniglan ang pag-iyak ko at kinalma ang sarili. Tiyak kong pagod na si Zoe ngayon kaya kailangan na naming pumasok para mag-pahinga.

"Let's go inside, you need to rest" wika ko at hinawi ang buhok niya.

"HINDI KA BA TITIGIL?!" nagulat ako nang bigla siyang sumigaw at hawiin ang kamay ko.

"W-What's wrong, baby?" tanong ko at lumamlam ang aking mga mata.

"Stop worrying about me, Bakit ba lagi nalang ako ang iniisip mo, huh?! Isipin mo naman yung sarili mo, please...ikaw ang may kailangan ng pahinga ngayon, ikaw ang kailanganng intindihin ngayon, naiintindihan mo ba?" aniya at dinuro ng balikat ko.

"I'm not a little girl anymore, kaya ko na ang sarili ko, kaya na kitang alagaan, kaya na kitang damayan...You're my future husband now, pero bakit puro ako lang ang iniintindi mo? Can't you just take care of yourself? You already did so much...mula noon ay puro ikaw ang kumikilos sa ating dalawa, sa bahay, sa pagkain, sa gastusin, sa akin, sa school fees, sa tuition ko...at sa lahat ng mga hirap ay ikaw lang mag-isa, hindi ba pwedeng pareho tayo? hindi ba pwedeng hayaan mo na ako naman?" Aniya at sinapo ang magkabilang pisnge ko.

"Mahal na mahal kita, kaya ayaw kong nakikita ang mga ito sayo" dugtong niya at isa-isang hinalikan ang mga pasa ko.

I closed my eyes and I can feel my every nerves calming down. but, my heart started beating wildly when she started kissing my knuckles. A lone tear rolls down to my cheeks bago ako dumilat at pinagmasdan siya.

Little doll...

"Stop being harsh to yourself, Captain...take a break, okay? Let me take care of you, si little doll naman ang mag-aalaga sayo, I'll treat you not just as my baby, but also my one and only hansome Captain" aniya at ngumiti bago pinagsiklop ang mga palad namin.

Pinagmasdan ko ang mga kamay namin at malungkot akong napangiti.

"That hand your holding right now kills many people" saad ko.

"Doesn't matter, your hand is the only hand that I want to hold" simpleng tugon niya sabay kibit-balikat.

Natutop ko ang labi ko bago napayuko habang papasok kami sa loob ng bahay.

"Little doll..."

"Hmm?"

"Kanina pa ako kinikilig sa mga pinagsasabi mo" amin ko at nakamot ang aking batok bago kinagat ang ibabang labi ko.

Adopting The Criminal's DaughterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant