Chapter 9

3.7K 149 14
                                    

NILAPAG ko sa lamesa ang mga nilutong pagkain at hinanda ang mga kubyertos. Sinalinan ko rin ng tubig ang dalawang baso at hinubad ang apron na suot ko.

"Hey! Let's eat, off mo na ang tv" tawag ko kay Zoe at hinintay ang paglapit niya.

Pero ang magaling na bata ay umaktong hindi ako naririnig. Aba! Matigas na ang ulo.

"Zoe Stella...excuse me, I said turn the television off kasi kakain na tayo" ulit ko pero tuloy lang siya sa panonood.

Nakamot ko ang kilay bago tumingin sa screen, naroon si barbie at kumakanta kasama ang iba pang mga barbie. Wait, bakit ang daming barbie? All this time...akala ko ay isa lang si barbie. Marami pala sila.

Shit, marami pala si barbie?!

I don't get it...madami si barbie? Lahat iyon ay si barbie? Ang gulo. Mas magulo pa sa lesson si barbie. Ginulo ko ang sariling buhok bago tumabi kay Zoe.

"Hey! Sabi ko kakain na" kalabit ko sakaniya.

"Wait lang, kuya, patapusin ko muna siya kumanta" aniya at tutok sa screen ang mga mata.

"Lalamig na ang pagkain...Isa!" asik ko at dali-dali naman niyang pinatay ang tv.

"Sorry na, tara na kain na tayo" ngisi niya at kumapit sa braso ko.

"Good girl" wika ko at tinapik ang tuktok ng ulo niya.

"Ano ulam?"

"Pork Adobo"

Nagliwanag ang mga mata niya bago binitawan ang braso ko. "Bakit hindi mo agad sinabi, kuya? Edi dapat ay wala nang pilitan na nangyari, favorite ko'to eh!" bulalas niya at nilanghap ang ulam na nasa mesa.

"Wag mokong pinaglololoko, nagluto ako dati ng sinigang, caldereta, menudo, paksiw at marami pang iba tapos ay sinabi mo ring paborito mo ang mga iyon" ngiwi ko sakan'ya.

"Lahat naman ng luto mo ay masarap, kaya favorite ko" kabig niya kaya napailing ako.

"Little doll ko natagpuang bolera" natatawang sabi ko at pinisil ang ilong niya.

Umupo ako sa katapat niyang upuan bago kami nagdasal. Matapos ang prayer ay siya na ang naunang sumadok. Magana talaga siya kumain lalo na kapag luto ko, minsan kasi ay umoorder nalang kami dahil sa sobrang pagod ko kaya hindi ko na siya naipagluluto.

Mabuti nalang at may dalawang oras akong naitulog ngayon. May lakas tuloy akong makapag-luto kahit paano.

"Habang tumatagal ay sumasarap lalo ang luto mo, kuya. Pwede na tayong mag-open ng restaurant sa husay mo magluto" aniya.

Tinaas-taas pa nito ang mga kilay bago nag ok sign kaya natawa ako. "Kumain ka nalang at 'wag muna mag salita" wika ko.

Gaya nang sinabi ko ay kumain na nga lang siya at hindi na nagsalita pa ulit.

Masyado talagang masunurin ang isang ito. "Little doll...magsalita ka na pala ulit" bawi ko dahil sobrang tahimik pala kung hindi siya magsasalita.

Tumabingi naman ang ulo niya at nagtataka akong tinignan. "Akala ko ba kumain nalang at 'wag muna mag talk?" nguso niya.

Uminom siya ng tubig at muli akong hinarap. "Ang labo kuya, ah" aniya.

Tumawa pa siya pero sa huli naman ay nagkwento rin nang nagkwento tungkol sa kung ano-ano.

Nakinig naman ako sakaniya at tumango. It feels better, nakaka-relax kasi ang tunog ng boses niya. Malaking tulong ito para sa katawan kong nananakit talaga.

"Kuya...bago na ba ang work mo?" tanong niya maya-maya.

Kumurap naman ang mga mata ko at bahagya akong napa-tikhim. "Yeah, nakita mo ba ang uniform ko? Ang angas 'no?" wika ko at tumawa.

Adopting The Criminal's DaughterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz