Chapter 45

2.9K 102 11
                                    

"LITTLE doll..."

Kinalabit ko ang siko nito pero inirapan niya lang ako. Moody ang buntis, cute cute.

"Bakit nagagalit ang baby ko?" malambing na wika ko at niyakap siya mula sa likod.

Nagtitimpla siya ng gatas niya at marami ang asukal na inilalagay. Ewan, pero nagbago talaga ang taste niya sa lahat ng pagkain. Kung noon ay ayaw niya ng maraming asukal sa gatas, ngayon naman ay halos ibuhos na niya ang asukal doon sa baso.

Parang asukal na may kaunting gatas, gano'n.

"Tama na 'yan, Little doll...baka magka diabetes na kayo ni Baby" nguso ko at mahinang tumawa.

"Lumayo ka, naiinis ako, Gabriel" aniya.

"Ang sungit naman ng Mommy na 'yan" ngisi ko at pinatong ang baba sa balikat niya at tinitigan ang mukha nito.

Ang ganda niya talaga, kakainis...

"Nagugutom ako, umalis ka d'yan!" asik niya.

Naglakad siya patungo sa ref para kumuha ng siopao at hindi naman ako humiwalay. Lumakad din ako kasama niya habang nakayakap pa rin.

"Yakap lang ehh, damot" nguso ko.

Kahit hindi ko nakikita ay alam kong umirap ito. Napangiti ako ng maliit saka nanatili sa likuran niya at yumakap.

"Ang ganda mo, little doll...hindi ako makapaniwalang papakasalan mo ako next week" hagikhik ko.

She smiled at what I said and I immidiately bite my lower lip. Argh! Before, it's just butterflies that's here in my stomach, but now it's the whole fucking jungle.

Dahil lang sa ngiti niya feeling ko ay may gorilla nang nagwawala sa tiyan ko, Zoe naman...

"Bakit naman hindi ka makapaniwala?" tanong niya at kumagat sa siopao na hawak.

Napangiwi ako nang isawsaw niya iyon sa toyo na may calamansi at mayonnaise. Mahal kita, Zoe.

"Hindi talaga ako makapaniwala, little doll. Shit, akala mo ba ay hindi ko alam ang nagyayari sayo sa States?" Sibangot ko.

Natawa siya bago ako hinarap at pinisil ang pisnge ko. Good mood na ulit siya, nice.

Little doll kong moody, hays...

"Mayroon kang manliligaw na Artista, Anak ng President, Prinsepe ng isang bansa at isang sikat na model...idagdag mo pa ang supot na si Calvin, tsh!" irap ko at umigting ang panga.

Ngumuso ako nang tumawa siya. Ang ganda ganda kasi niya, Kasalanan niya 'yon!

"What? Pinasusundan mo ba ako?" Tawa niya.

"Hindi kita pinasundan, basta alam ko lang" inosente kong saad. "Atsaka isa pa ay tiwala naman ako sayo, alam kong hindi ka pumapataol sa mga pangit, tsh" irap ko.

She started teasing me kaya nag-iwas ako ng tingin. Nye nye...

"Nagseselos ka, Cap?" Tanong niya maya-maya habang tinutusok ang pisnge ko.

"Hindi, not even a little. Anong pakialam ko kung eleven years kayong naroon at magkakasama habang malaya ka nilang nililigawan at ako ay nanahimik rito sa pinas at mag-isa?" taas ang kilay na wika ko.

"Gab..."

Natigilan siya at napayuko, she looks so sad and guilty. I lifted her chin up at maliit na ngumiti.

"No need to feel sad or guilty, It's okay" saad ko at hinalikan ang labi niya.

"I love you, Gab. Kahit sino pa mga nanligaw sa'kin doon...ikaw pa rin naman nasa isip ko no'n tapos ikaw pinaka-gwapo saka pinaka mahal ko" nguso niya.

Adopting The Criminal's DaughterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin