Chapter 24

3K 132 16
                                    

GIGIL na pinirmahan ko ang mga papel na nasa harap ko at pagtapos ay pabalya iyong ibinababa. Ang mga kasama ko sa silid ay napapatalon sa gulat kung minsan dahil sa pagdadabog ko.

"Continue" may bahid ng iritasyon na sabi ko sa presentor.

Tumikhim naman ito at nagpatuloy kahit tila maiihi na sa kaniyang pants. Malalim ang bawat paghinga ko at maririin ang pagpirma sa mga papeles. Halos mabutas ko na nga ang papel at nang ibaba ko ang sign pen na ginamit ay napatalon silang lahat.

"Tapos na ang meeting" seryosong ani ko at tumayo na.

Tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa. Paglabas ko ay pabalya kong sinarado ang pinto. Dumeretso ako sa office ko at binagsak ang sarili sa swivel chair ko.

"Argh, Asar!" Inis na wika ko at marahas na ginulo ang aking buhok.

Nilakasan ko ang aircon sa pagbabakasakaling mapakalma ako nito. Tumayo akong muli at niluwagan ang aking neck tie saka nilingon ang telepono ko. Umigting ang panga ko agad bago kinuha ito.

"Good morning, little doll"

Ito ang message ko na kanina ko pa sinend. Walang reply! Tangina walang reply, nakakainit ng ulo! Ang aga-aga tuloy ay masama ang timpla ko.

"Ano bang ginagawa mong babae ka, huh? Dati naman ay nagrereply ka ng good morning kahit pa gabi r'yan sainyo ah!" Inis na saad ko at masamang tiningnan ang screen ng cellphone ko.

Ang matindi pa ay hindi niya sinasagot ang tawag ko. I also tried calling supot's number pero mga naka-off yata ang phone nila. 'Wag ko lang talaga malalaman na magkasama kayong dalawa...pupunta ako r'yan at makikita niyo pareho ang hinahanap niyo.

"Isang oras, kapag isang oras ulit ang lumipas at hindi ka nag-reply ay pupunta na ako r'yan, makita mo" Saad ko at bumalik sa swivel ko.

THIRTY minutes had passed, wala pa rin. Imbes na galit ay nagiging pagaalala na ang nararamdaman ko. Did something happened? F*ck, she'll be fine...pero bakit ayaw niya mag reply?!

Kumatok ang secretary ko kaya sandali akong napatigil sa pagkuyom ng aking mga kamay.

"Gatas, Sir" aniya at nilapag ang isang tasa ng gatas.

"Thankyou, I so f*cking need this right now" Tamad na sabi ko at sumimsim sa mainit na gatas.

Hindi ko na ininda ang init nito dahil nilagok ko ito at inubos sa isang inuman kahit pa umuusok ito. I don't care, mas mainit ang ulo ko.

"Hindi ka ba napaso, Sir? Kakakulo lang ng tubig na ginamit ko r'yan, mainit po 'yon" aniya at inabutan ako ng tissue.

"Mas mainit ang ulo ko" saad ko.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Pinalabas ko na rin siya at tahimik naman siyang sumunod. Wala talaga ako sa mood ngayon.

NANG mag-ring ang telepono ko ay agad ko iyong kinuha. Akala ko ay si Zoe na pero ang gagong si Colton lang pala.

Argh!

"Hello, Cap!" bati nito.

"Ano?!" padaskol na tanong ko.

"Luh, Galit? Tawag tayo ni Commander, meeting daw" aniya.

"Oo, I'll be there in ten" tugon ko.

"Shit! Paliliparin mo nanaman ang sasakyan, ang layo kaya ng HQ sa company mo, Cap, magdahan-dahan ka naman sa pagmamaneh- "

Pinatayan ko na siya ng telepono dahil naiinis ako sa boses niya. Naiinis ako sa lahat at mas lalo lang akong naiinis sa kadaldalan niya.

PAGDATING sa HQ ay wala akong nakita na palakad-lakad sa lugar. Nasa operation sila at aiguradong maya-maya pa ang balik. Sarado pa rin ngayon ang Amusement park dahil alas-otso palamang.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now