Chapter 22

3.1K 123 36
                                    

HINILOT ko nang bahagya ang aking batok bago nagpatuloy sa pagtapos ng mga paperwork. It's already ten in the evening pero narito pa rin ako sa loob ng office ko at nagpapaka-lunod sa trabaho.

Bahagya akong napatigil nang kumatok sa pinto ang secretary ko. I massaged my nape before I continued scanning my laptop, on my other hand was a few sheets of paper.

"Come in" wika ko sa mababang tinig bago tumuloy sa aking ginagawa.

"Hindi ka pa uuwi, Sir?" tanong niya at naglapag ng isang baso na may gatas sa table ko.

Pinagmasdan ko iyon at napangiti. Hanggang ngayon ay gatas pa rin talaga ang gusto ko, totoo nga ang sabi nila...walang tatalo sa Alaska.

Nagpasalamat ako sakaniya at sumimsim sa gatas. Imbes na kape ay gatas lang talaga ang iniinom ko. Sa umaga, tangahali at kahit sa gabi.

"Not yet, I need to finish this first" sagot ko at binaba ang tasa ng gatas.

She smiled at me before sighing. "Ang dami mo nang natapos para sa araw na ito, Sir. May meeting pa bukas nang umaga, baka tulugan mo nanaman si Mr. Frod katulad noong nakaraan" paalala niya at sabay kaming natawa.

I remember that day, kakagaling ko lang sa operation ng araw na 'yon. 6 o'clock ng umaga natapos ang operation. Seven naman ng umaga ang meeting with Mr. Frod kaya lutang ako at nakatulog dahil sa pinaghalong puyat at pagod.

That was so unprofessional of me, kaya napilitan tuloy akong humingi nang tawad kahit ayaw ko naman.

"You can go home first, patapos na rin naman ako rito" wika ko at nagtuloy sa ginagawa.

She smiled before thanking me. "Thankyou, Sir" magiliw na anito at yumuko ng bahagya.

Tumango lang ako at maliit na ngumiti nang makalabas na siya. My secretary is already married, she has two kids and she's in her 40's already.

Kaya siya ang kinuha ko na secretary. I'm...longing for my Mother at sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa akin ay naging mahusay naman siya. Kung maaari nga ay ayaw ko na siyang palitan pa.

SINARADO ko ang laptop at sumandal sa swivel chair ko. Nag unat muna ako ng katawam bago hinablot ang suit ko at sinuot ito. Niluwagan ko rin ang necktie ko at ginulo ang aking buhok.

Lumabas ako ng office at sinalubong ako nang madilim na kapaligiran. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Pagkababa ay naabutan ko sa pinto ng lobby ang tatlong guard.

"Sir!" Bati nila at tumango naman ako.

Lumabas ako at tumungo sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at tiningnan ang oras sa aking relong pambisig. I sighed while looking at the time. I need to go home, magpapalit pa ako ng damit.

Umaga na...time to work again.

PINATUNOG ko ang leeg bago pinindot ang earpice na nasa tenga ko. Ilang kaluskos mula sa lugar niya ang nadinig ko bago luminaw at tumahimik ang paligid.

"You hear me?" I asked River.

"Yes, Capt." alertong sagot nito mula sa kabilang linya.

Tinanguan ko ang kasama ko, si Colton. Tumango naman siya pabalik bago kami nagsimulang tahimik na gumapang. Natatanaw ko na ang tila isang malaking lumang bahay na lalapitan namin.

"Move" I command him.

We walked silently at walang tunog na ginawa kahit pa ang mga dahon na natatapakan namin ay mga tuyo. I saw some men walking back and forth near the gate of the house.

Probably guards.

Sinenyasan ko si Colton at sabay naming nilapitan ang mga ito. Hindi ko na hinayaang makaharap sa akin ang lalaki. Pinilipit ko ang leeg nito at nangisay naman siya, pero bago bumagsak ang katawan nito ay sinalo ko at marahang ibinaba para hindi ito gumawa ng kahit anong ingay.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now