Chapter 4

4.1K 168 19
                                    

"KUYAAA!"

Malawak ang ngiti niya habang hila-hila ang bag na de-gulong. Ang blouse at palda niyang uniform ay malinis naman pero lukot kaya napangiwi ako, siguradong naglaro nanaman siya nang todo sa playground ng school.

Nang makalapit siya ay hingal na hingal pa ito pero nakangiti pa rin. Ang ipit sa buhok ay gulo ma. Nakatago ang isa niyang braso sa likod kaya kumunot ang noo ko.

"Anong tinatago mo diyan?" taas ang kilay na tanong ko bago inagaw ang bag niya para ako na ang magbuhat niyon.

"Tadaaa!" masayang aniya at nilabas ang kaliwang braso.

Napangiti naman ako't ginulo ang buhok niya. Punong puno ng star ang braso niya, hindi ko alam kung totoo ba iyon o pinaglaruan lang niya ang pang-tatak ng guro.

"Ang dami kong naisagot sa recitation kaya marami akong star, nilagay ni teacher iyan tapos ang sabi ay very good daw ako!" pagmamayabang niya kaya napailing ako.

Mula nang mag-aral ay naging madaldal na talaga siya. Madalas siya mag-kwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa buong mag-hapon, hindi na rin siya bulol at mas naging energetic na siya ngayon. Mabilis din ang pag-laki ni little doll, pansin ko kasi na tumatangkad na siya, kung dati ay hindi pa siya umaabot sa tuhod ko ngayon naman ay hanggang bewang ko na siya.

Naglalakad na kami pauwi ngayon at gaya nga nang sabi ko ay madaldal na talaga siya. Heto at panay nga ang kwento niya, wala akong masundan sa mga sinasabi niya kaya tumatawa nalamang ako kapag tumatawa siya.

Napansin ko rin na madalas na ang pagnanalita niya ng tagalog. Hindi tulad noong una ko siyang makausap at puro ingles siya, siguro'y dahil sa pakikipag-usap niya sa mga kaklase. Sa publikong eskuwelahan ko kasi siya ipinasok.

Gusto ko na iparanas sakaniya ang buhay na walang special treatment, I know, she's special to me at ganoon na rin kila mama. Spoiled siya sa bahay namin pero gusto kong matuto siya na makisama sa iba't ibang mga tao, at hindi nga niya ako binigo tulad nang inaasahan ko.

Isa rin ito sa mga bagay na hinahangaan ko kay Zoe. Magaling siyang mag-adjust. Kapag nakita niya kung ano ang sitwasyon ay siya mismo ang nag a-adjust upang umangkop dito.

Tinuruan ko rin siya kung paano mag appreciate nang maliliit na bagay, magpasalamat sa kahit anong natatanggap niya, maging magalang, masayahin, positibo sa lahat ng bagay at pang-huli ay ang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.

I want her to be kind at all times, yet strong enough to protect herself when she has to.

"Ang sabi daw ni teacher ay pwede na ako maging announcer sa bingo-han dahil sa ingay ko, pero ayos lang daw 'yon dahil nakakasagot naman ako tuwing magtatanong siya. Natawa nga ako nung sabihin niya iyon kasi hindi ko ma-gets. Maingay ba ako? Siguro medyo  pero hindi naman ganoon katindi 'diba, kuya?" tuloy-tuloy niyang sabi kaya tumango nalang ako.

Hindi matindi...sobra-sobrang tindi lang, little doll.

"Tapos mayroon pa akong kaklase kuya, matalino rin siya at katabi ko siya sa iisang desk. Masyadong tahimik iyon atsaka medyo masungit kaya ang ginawa ko ay dinaldal ko kanina during recess hindi naman pala masungit! He gave me food pa nga tapos ay naglaro kami nung lunch time sa play ground, nadapa siya kaya tawa ako nang tawa" masaya niyang kwento kaya ngumiwi ako.

"Lalaki?" kunot ang noo na tanong ko.

"Opo, ang bait niya pala kahit tahimik lang tapos ay medyo gwapo rin kaya feeling ko ay crush ko na siya" hagikhik nito kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Ilang taon kana nga ulit?" muli kong tanong.

"Uh...seven?" sagot nito na nagtataka.

"Exactly! Ang bata-bata mo pa kaya tigil-tigilan mo 'yan" Istrikto kong wika.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now