Chapter 43

3.2K 105 8
                                    

NAKAGAT ko ang labi habang seryoso si Zoe sa harapan ko. She's fixing my tie seriously and I can't help but to smile because of her cuteness.

"Wag na kaya ako pumasok? Hehe" saad ko at sumama naman ang tingin niya sa akin.

"Tigilan mo ang pagganyan-ganyan mo ah!" pagsusungit niya.

Nakagat ko ang labi bago niyakap ang bewang niya at hinapit palapit sa akin. She hugged my neck at pinagdikit ko naman ang noo namin.

"Boring sa office ko, little doll" saad ko at pinaglaro ang mga ilong namin.

Napahagikhik naman siya at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Wag mo'ko landiin, alis na, baka ma-late ka sa meeting" taboy niya at natawa naman ako.

"Dalhan mo ako ng lunch, yung may dessert" ngisi ko bago bumitaw sa yakap namin.

"Anong dessert ang gusto mo?"

"Choko-Choko" kindat ko at nahampas naman niya ang braso ko.

KUMAWAY pa ako nang makasakay sa kotse ko. She waved back and then closed the gate. Nang makapasok na siya ay saka lamang ako umalis at nagmaneho.

Habang nasa daan ay tumunog ang telepono ko. Binuksan ko ito nang mag traffic saka napangiti habang kagat ang ibabang labi ko.

"I love you, Captain CEO❤"

Message mula kay Zoe at may puso pang emoji. Argh! Zoe naman...

PAGDATING sa company ay yumukod ang mga empleyado sa akin. They greeted me at tumango naman ako sa mga ito. I entered the elevator at sumunod na agad sa akin ang secretary ko.

"Schedule?" I asked her.

Inisa-isa naman niya ang mga iyon atsaka malawak na ngumiti. Tumango ako bago inayos ang aking suot nang bumukas ang elevator.

"Hi, handsome" bati sa akin nang nasa labas.

Lumabas ako sa elevator at hinarap ito. Natutop ko ang labi saka siya tinaasan ng kilay.

"What are you doing here, Veronica?" buntong hininga ko.

"Nothing, I just wanna see you" malanding aniya at pinaglandas ang hintuturo sa panga ko.

Agad kong tinabig ang kamay nito saka siya matalim na tinignan. Ngumiti naman siya sa akin at tila nagugustuhan pa ang ekspresyon ko.

Baliin ko kaya ang leeg ng isang 'to?

"See this? Off limits, Veronica" I said and show her my engagement ring while smirking.

Naghugis 'O' ang labi niya bago maya-maya ay umirap. Pinagkrus nito ang mga braso kaya halos lumuwa ang kaniyang dibdib. I refuse to look, Zoe's are much bigger and beautiful.

"You're married? to whom?" tanong niya at mataray ang tono.

"Not yet married, but we're already engaged" ngisi ko.

"Whatever, ang tagal kitang niligawan tapos sa iba ka napunta" aniya at bumuntong-hininga.

Natawa naman ako sakaniya at napa-iling. Naglakad kami ng kaunti bago pumasok sa opisina ko. Umupo ako sa swivel chair ko at siya naman ay doon sa couch.

"Who's the lucky girl?" usisa niya.

"Zoe Stella, my little doll, and nope! I'm the lucky one" wika ko at napangiti.

"The heck? T-That girl?" aniya na nanlalaki ang mga mata.

"Oh, yeah! You knew her, nagkita na siguro kayo noon?" I said and lean on my table.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon