Chapter 18

3K 129 23
                                    

SINALUBONG ako nila Colton, River at Commander nang lumabas ako sa ring. Dumudugo ang parehong mga kamao ko at puno ng pasa ang katawan pero hindi ko maiwasan na patuloy na ngumiti sa kanila.

I did it, I f*cking did it!

Sabay-sabay silang pumalakpak at nakagat ko ang labi ko nang sandali na yumuko sina Colton at River sa akin bago sumaludo.

"Captain" sabay na wika ng dalawa at puno ng paghanga na sumaludo sa akin

Captain...how I love the sound of it.

Naiiyak pa nang bahagya ang lokong si Colton kaya natawa ako. River is silent, as usual. Ngunit bakas sa mga mata nito ang pag-hanga, tuwa at respeto sa akin.

Lahat sila rito ay masaya dahil sa pagtatagumpay ko.

Isang luha ang pumatak mula sa aking mga mata at kinagat ko ang ibabang labi bago siya hinarap.

Ang taong patuloy na naniwala sa akin sa likod nang dalawang beses na pagkabigo ko. Si Commander.

"I'm so proud of you. Congratulations, 002" aniya at nakangiting sumaludo rin sa akin.

I saluted back to them at halos matumba ako nang sabay-sabay nila akong sunggaban nang yakap. Sa likod nang masakit kong katawan ay natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatawa habang nag g-group hug kami at umiikot habang nagtatawanan.

Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Matapos ang apat na taon kong page-ensayo, apat na taon na puro paghihirap sa loob ng isang blangkong silid at puro ensayo nang pagpapalakas ay heto ako ngayon.

Nakatayo sa harap ng tatlong tao na nanatili sa tabi ko habang narito ako sa lugar na ito. Ang naging pamilya ko sa samahang ito, ang kasama ko matapos ang madudugong ensayo at ngayon ay sabay-sabay kaming nagbubunyi dahil sa pagtatagumpay ko.

"Capt. Sobrang husay mo, parang ayaw na kitang biruin ngayon kasi nakakatakot ka talaga, lalo na kanina habang pinapanood ka namin" ani Colton at parang pusa na maamong nagdudumikit ito sa akin

"Lumayo ka nga, kadiri ka" seryosong wika ko at ngumuso naman ito.

Kiniskis pa kasi nito ang pisngi niya sa balikat ko kaya napangiwi ako.

Sarap basagin ng mukha!

Walang emosyon ko siyang tinignan at gusto kong matawa nang mauna siyang mag-iwas nang tingin sabay kunwaring nag unat ng katawan.

"Capt, 'wag mo 'ko tignan nang ganiyan...promise, nakakatakot talaga" aniya at kabadong tumawa.

Doon na ako natawa at inilingan siya. Nawala naman ang kabadong ekspresyon niya bago ngumiti sa akin. Kumurap-kurap pa ito na parang gago kaya napangiwi ako.

"Congrats, Capt." ani River at cool na tumango.

"Salamat" simpleng wika ko at ngumiti.

"Anong meron? Hindi ako belong? Commander ako rito, 'di ako hangin kaya kausapin niyo ko." Pakikisali ni Commander at natawa naman kami.

"Commander...beke nemen pwedeng mag-party tayo? Captain na si 002, oh!" ani Colton kaya natawa kami.

"Ayoko" si Commander.

"Luh! Bakit?" protesta ni Colton.

"Sparring muna tayo" pang-aasar ni Commander kay Colton.

Mariing napalunok naman ang huli bago ngumiwi. "C-Commander talaga...'di ka naman mabiro, joke lang, eh" bawi nito sabay ngisi at nag peacpe sign pa.

HINDI ko maiwasan ang mapa-ngiti habang pinapanood ang pagbuhat nila kay Conor. Dinala nila siya sa clinic at hiniga sa clinic bed kung saan mismo ako palaging hinihiga matapos ang training, ang laban namin at mga araw na halos masaid ang lakas na mayroon ako sa buong katawan. Mga panahong gusto ko nalang sumuko dahil sa hirap ng training na ibinibigay niya.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now