SPECIAL CHAPTER

3.7K 178 52
                                    

"TWINS, off niyo na yung tv, kakain na tayo" tawag ko sa kambal.

Nakamot ko ang batok nang hindi manlang ako lingunin ng mga anak ko. Busy ang mga ito sa panonood ng Pororo, iyong penguin na nagsasalita.

"Hey, sabi ko off niyo na 'yan, magagalit si Daddy kapag hindi kayo sumunod, Isa!" istriktong wika ko.

Sabay silang napa-igtad at pinatay yung tv.

"Wag galit, Daddy..." malambing na ani ni Zea at yumakap sa hita ko.

Ganoon din naman ang ginawa ni Zia kaya napangiti ako. Manang-mana sa Ina. Tsk.

"Sige na, punta na kayo sa dining nando'n na sila Kuya niyo" ngiti ko at ginulo ang buhok nila.

Sabay naman silang lumakad gaya nang sabi ko at inalalayan ang isa't isa para hindi sila pareho madapa.

My girls really are cute, parang maliliit na Zoe.

Nang manganak si Zoe ay natupad ang pangarap ko. Ang makakita nang maliliit na Zoe na pakalat-kalat sa bahay namin.

"Dad, Where's Mom?!" sigaw ni Zoviel mula sa kusina.

"Sandali, tatawagin ko! Bantayan niyo sila kambal!" sigaw ko pabalik at nagligpit muna sandali sa sala.

May mga candy pa na nakakalat sa couch.

Stress ang buhay ng may limang anak...

"Zoe..? Hey, Little doll! I'm going to come in na, huh?" katok ko sa pinto ng kwarto namin.

I opened the door at tumambad sa akin ang tulog na si Zoe.

Nasapo ko ang noo bago umupo sa gilid niya. Hinaplos ko ang buhok nito at pinatakan ng halik ang noo niya.

Agad naman siyang nagising at kinusot ang mga mata niya.

"Hey, Beautiful...G'morning" bati ko at ngumiti nang malawak.

She hugged my waist at bumati pabalik sa akin. Hinayaan ko naman siya at minsan ay pinapatakan ng halik ang ulo niya.

Puyat na puyat siya dahil hindi kami pareho pinatulog ng kambal. Madaling araw na kasi pero sina Zea at Zia ay siging iyak pa rin. Ayan at puyat tuloy si Little doll.

"You okay, Wife?" tanong ko at tumango naman siya habang nakangiti.

"Yung mga bata? Napakain mo na?" tanong niya at tumango naman ako.

"Nag milk na sila kambal, yung triplets nasa dining na hinihintay tayo at binabantayan rin nila si Zia at Zea" tugon ko at napangiti naman ito.

"Thankyou, Daddy Gab..." asar nito sa'kin kaya napangiti ako.

"Tara na s—"

Natigilan kami sa pag-uusap nang may marinig na maliliit na boses mula sa labas ng kwarto.

"Saan ba tayo pupunta, Riel?" tanong ng isa sakanila, hula ko ay si Zoviel iyon.

"Basta, sabi ni Daddy magbabayad daw tayo ng electricity" Tugon ni Zoriel. "Wear this para pare-pareho tayo" I heard Zoriel's voice again at may tunog ng parang plastic wrap ang sunod naming narinig.

"Papagalitan tayo nila Daddy...iniwan natin sila Zea at Zia sa pool" sabi ng bunso at sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Zoe.

"Oh, F*uck!!" agad na bulalas ko at napatakbo kami ni Zoe palabas.

Gulat na gulat ang triplets nang makita ako.

"Daddy!" gulat na sambit nila.

"Where's your sibling?!" tanong ko at nagsikuhan na sila agad kung sino ang sasagot.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now