Chapter 21

3.1K 142 28
                                    

TAHIMIK kami pareho nang matapos ang pag ayos ng mga gamit niya. Magkatabi kami na nakaupo sa kama at panay lamang ang buntong hininga naming dalawa. Walang nagtangka kahit isa sa amin na magsalita.

Siguro tulad ko ay hindi rin niya alam ang dapat na sabihin. Kahapon ko lang nabuksan ang topic sa kaniya na may posibilidad na sa ibang bansa siya mag-aaral, pero ngayon ay agad niya itong natanggap kahit pa hindi sapat ang paliwanag ko.

"Zoe..." tawag ko sakaniya at tumikhim upang alisin ang nagbabara sa lalamunan ko.

Her cute eyes doesn't look happy today. Mababakas ang lungkot sa mga iyon at hindi ako sanay...laging masaya ang ekspresyon ng mga mata niya, ngunit ngayon ay iba. Natutop ko ang labi at napalunok habang nakatingin sakaniya.

"It's okay, kuya...alam ko namang may rason ka, hihintayin ko nalang kapag handa ka nang sabihin sa akin" walang buhay na aniya at maliit na ngumiti.

"Sorry" napayuko ako at nakagat ang labi ko. "Sorry kasi hindi kita masasamahan doon, sorry kasi hindi ka kaya protektahan ni kuya ng mag isa, sorry kung napahirapan kita nang matagal, little doll...sorry" wika ko at tuluyang nabasag ang boses.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang bigla niya akong yakapin. Nagsumiksik siya sa dibdib ko kaya tuluyang bumuhos ang luha ko. I hugged her back at niyakap din niya ako nag mahigpit pabalik. Nakagat ko ang labi at halos ayaw na siyang bitawan dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag ginawa ko iyon.

"Kuya...pwede bang sumama ka nalang?" hiling niya at kumapit ng mahigpit sa bewang ko. "Ayaw ko umalis, gusto ko dito sa bahay natin kahit mag-isa lang ako kapag nasa trabaho ka, ayaw ko umalis..." wika niya habang umiiling at mas niyakap ako habang ang luha ay patuloy na umaagos.

Ako rin...gusto ko dito ka lang, little doll.

Umigting naman ang panga ko at napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa sinabi niyang iyon, gusto kong isigaw na gusto kong sumama rin sakaniya, pero paaasahin ko lang din siya dahil sa huli ay hindi naman ako maaaring sumama.

T*ngina, ang hirap naman!

"Shh...tahan na" alo ko at hinaplos ang likod niya.

Muli ko siyang niyakap at hinalikan ng ilang beses ang ulo niya. Kahit hindi pa siya umaalis ay namimiss ko na siya, paano pa kaya kapag mamayang ihahatid ko na siya? Baka hindi ko kayanin at magwala ako sa airport, dammit!

"Hindi mo naman ako isasauli sa mga m-magulang ko diba, k-kuya?" mahinang tanong niya.

Natigilan ako at napabitaw sakaniya. Nakayuko na ang mukha niya ngayon at nakikita ko ang pagpatak ng mga luha niya. She looks like the Zoe that I saw on the side of the road again...She looked so lost.

"Zoe, listen to me...hindi kita ibabalik sa mga magulang mo, aalis ka lang para mag-aral sa ibang bansa" saad ko habang sapo ang pisnge niya. "Hindi kita isasauli dahil akin ka...akin ka, Zoe, naiintindihan mo ba?" wika ko at lumamlam ang mga mata ko.

She paused for awhile bago masuyong ngumiti sa akin. Napahinga ako ng malalim nang unti-unti siyang tumango. "Eleven years lang naman iyon...sandali lang 'yon, babalik din ako diba?" sumisinghot na aniya kaya napangiti ako.

Yeah...babalik ka, kasi kapag hindi ka bumalik ay ako mismo ang susundo sayo roon.

"Hmm...babalik ka kapag big girl ka na" ngisi ko at nakagat ang ibabang labi.

Napaiwas naman siya ng tingin at mas napangisi ako nang mas mamula ang natural niyang mamula-mula na pisnge. Tinitigan ko lang siya at pinagsawa ang mga mata ko sakaniya, pag-umalis na siya'y hindi ko na matititigan ng ganito ulit ang mukha niya.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now