Chapter 19

3.1K 150 48
                                    

I STARED blankly on the ceiling of my room bofore letting out a deep sigh. Dinig ko mula rito sa loob ng kwarto ang tawanan nila sa labas. I can hear how Zoe giggle because of his jokes, kung paanong humalakhak ito at minsan ay sabay pa silang magtatawanan.

"I have bruises all over my body, but I can't feel any pain from those...bakit nasa puso ang sakit?" tanong ko sa sarili at nasapo ang sariling dibdib.

Mahina akong natawa habang naiiling. Tila may humihiwa sa puso ko at saka iyon pinipiga. It's beating...my heart is still beating but it feels like dying. Bakit? Bakit ang sakit na marinig ang mga tawa niya kapag hindi ako ang dahilan?

I sound so broken and hurt, dammit!

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago muling bumuga ng hangin. Pull yourself together, Gabriel. Paalala ko sa sarili.

Siguro ay nasanay lang ako na dati ay puro ako lang ang kasama niya...I mean, ako dati 'yon. Kami dati ang nagtatawanan sa couch na iyon habang naka-upo siya sa mga hita ko.

But now, it's him!

"As if I care" irap ko sabay pikit ng mga mata at natulog nalamang para makapag-pahinga.

NAPAMURA ako agad nang bumukas ang mga mata ko. I clenched my fist at ilang beses na nagpakawala ng ilang mura galit na ibinato sa kung saan ang unan ko.

"P*tang inang panaginip!" galit na anas ko at kunot noong marahas na bumangon.

I saw Zoe in my dreams, nagkatuluyan daw sila nang Calvin na iyon, nagpakasal at nagkaroon ng pamilya habang ako ay naging matandang binata!

P*tanginaaaaa!

Pumunta ako sa bathroom at inis na nagsepilyo ng ngipin habang matalim na nakatingin sa salamin. Gigil na gigil ako habang nagsesepilyo at halos dumugo na ang mga gums ko sa mariing pag-brush ko rito.

Maya-maya ay narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinapos ang ginagawa, hinawi ko ang buhok at sinipat ang sarili ko sa salamin. Abot tenga ang ngiti ko pero pilit ko itong 'tinago nang lumabas ako.

I cleared my throat at pilit na pina-seryosong muli ang hitsura. I may look angry right now, pero sa loob-loob ko ay sobrang saya. Buti naman at naisipan niyang puntahan ako, tsk!

"K-Kuya...uhm, did I disturb your sleep—"

"Yes" putol ko sa mga sinasabi niya.

Napayuko naman siya agad at kinutkot ang mga daliri. Ano, gano'n nalang? Hindi ako susuyuin?! The fuck?

Galit ako Zoe, kaya dapat suyuin mo ako!

Gusto kong sumigaw pero kinalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili nang paulit-ulit. I need to calm down...inhale, exhale.

"Galit ka ba, kuya?"

"Yes, 'di ba obvious?" sarkastikong tanong ko at tinaasan siya nang isang kilay. "Lumabas ka na nga" taboy ko rito.

Ngunit sa kalooban ko naman ay sinasabing 'wag siya umalis. Ang gulo ko!

"Pero...you're mad at me, bakit ka ba nagagalit? Nitong nga nakaraan ay palagi ka rin wala sa bahay, kasama mo ba ang girlfriend mo?"

Natutop ko naman ang labi bago kinamot ang batok ko.

Sanaol may girlfriend.

"I don't have one, tsh" nagmamalditong irap ko.

"Weh? I saw Veronica last time...hinihintay ka sa labas ng gate natin" aniya kaya napakunot ako.

"Pumunta siya rito?" tanong ko at tumango naman ito. "She's courting me" kibit-balikat kong saad.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now