Chapter 34

3.1K 131 49
                                    

SAKAY ng isang speed boat ay tinungo ko ang kabilang isla, ito ang resort nina Alonzo. Pagkababa ko ay hinanap ko agad ang cottage na may lock.



"Zoe? Hey, Zoe!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

"G-Gab? Gabriel!!!" sigaw niya mula sa loob kaya lumamlam ang aking mga mata.

Isang dinig ko lang sa boses niya pakiramdam ko ay nawala na lahat ng pagod ko, nalimutan ko ang lahat at pati nga yata ang mga nangyari kanina ay nawala na rin sa isip ko.

"My little doll..." malambing kong wika at nakagat ang labi ko. "I'm going to kick the door" paalam ko sakaniya bago malakas na sinipa ang pinto para makapasok ako.

She's tied up in a chair kaya umigting ang aking panga bago siya nilapitan.

"Gabriel" tawag niya sa akin at tila tumalon naman ang puso ko.

Her voice...damn!


"Hello, little doll" bati ko at kinalag ang pagkakagapos niya.


Agad niya akong niyakap nang makawala siya at sumuksok sa aking dibdib. I caress her hair and kiss the top of her head. Pagod na pagod ako at marami ang nangyari ngayong gabi, Im extremely hurt too, but just one hug from her and I feel like everything is fine again.


"Your face is bleeding..." aniya at pinakatitigan ang mukha ko bago iyon hinaplos.

Napatitig din naman ako sakanya at bahagyang natigilan. Hindi ito ang oras para sa ganitong bagay...pero I really want to stop the time and just stare at her beautiful face.


How can this woman erase all the bad things that happened tonight without even doing anything and just standing in front of me? Lumamlam ang mga mata ko bago pinatakan ng isang magaan na halik ang noo niya.


"Do you know what happened there?" masuyong tanong ko at tinuro ang pinanggalingan kong isla.


"May narinig akong mga putok ng baril" aniya at napayuko.


Hinawakan ko naman ang baba niya at tinaas itong muli. "That's from your Father's men...and mine" wika ko at napatigil naman siya.


"My Dad is a Criminal...and his blood are flowing through my veins" bulong niya kaya lumamlam ang mga mata ko. "That means, I'm one of them" saad niya.

"What the fuck? Hindi ganoon 'yon Zoe, ang tatay mo lang ang demonyo, hindi ikaw!" asik ko at malalim na tumitig sakanya.

"D-Don't look at me like that, Gab" aniya sabay iwas.

"Huh?" nalilito kong wika.


Her eyes started avoiding mine bago namula ang pisnge niya hanggang sa leeg. She played with her fingers and continue bowing her head.

"Are you fine?" tanong ko at mas nagtaka sa mga kinikilos niya.

"Actually...uhm, I want to say something" amin niya.

"Go on, Little doll" saad ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya.


Nakangiti ako sa harap niya at pinupuri sa isipan ko ang maganda niyang mukha. Ngayong maayos na ang lahat ay pwede ko na kaya siyang tanungin kung maari ko siyang ligawan?

Siguro ay mamaya nalang...


"Gab, ikakagalit ba ng Aegis kung halik mo ang namimiss ko?" Aniya at biglang tinakpan ang mukha niya.


Ako naman ay isang beses na napakurap bago nag sink-in sa isip ko ang sinabi niya. Nang tuluyang maproseso ng isip ko ang sinabi niya ay agad na nanlambot ang mga tuhod ko kaya muntik na ako matumba.


Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now