Chapter 29

3.2K 122 17
                                    

NGAYONG araw na ang pag-alis ni Zoe. Ihahatid ko na siya sa unit niya. At oo aminado ako, aminado akong labag ito sa loob ko.

Pero kailangan talaga niya lumipat. Kahit ako kasi ay wala na ring tiwala sa sarili ko. Baka mamaya ay bigla ko nalang mahapit ang bewang niya sabay halik.

"Let's go" wika ko at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

Napangiti ako nang nakasimangot siyang bumaba at napakabagal ng mga paghakbang. She doesn't want to go either. Nasapo ko ang noo at hinawakan na ang pulsuhan niya.

"Come on, don't be grumpy, little doll" wika ko at inakbayan siya. "I'll visit you here sometimes" saad ko.

"Sometimes lang? Can you visit me everyday?" nguso niya at natawa naman ako bago pinatakan ng halik ang noo niya.

"Kung araw-araw naman pala akong pupunta rito ay ano pang saysay ng paglipat mo?" natatawa kong sabi at napangisi pa lalo nang hawakan niya ang dulo ng suit ko.

Para siyang bata na ayaw magpaiwan sa school. She's so cute, but I need to resist her cuteness for now, kundi ay mauuwi sa lahat ang pagbili ko ng unit at baka bigla ko siyang iuwi ulit.

"Sige na, little doll. Check your new house, kailangan ko na umalis" wika ko at tinignan ang oras sa wrist watch ko.

"Sama ako" aniya at nagsumiksik sa braso ko

Yumuko naman ako para silipin siya pero mas lalo niya lang tinago ang mukha sa braso ko.

"I love you..." mapungay ang mga mata na bulong ko at napangiti ako nang lumuwag ang kapit niya sa akin.

"I love you too" saad niya at nagtago ulit sa braso ko.

Shit, my heart!

Nakagat ko ang labi bago napakamot sa batok ko. "I really need to go, little doll" nahihirapang saad ko.

I can feel the softness of her breast kaya napatikhim ako. I fixed my belt unconsciously at sinama ko na ang kurbata para kunyari ay nagaayos talaga ako. Damn, little doll...your sweet torture is on heat again.

"Isama mo nalang ako sayo, diba pupunta ka sa work?" aniya at tumango naman ako. "Sama ako" wika niya at sumiksik sa braso ko kaya nasapo ko ang noo.

Ang kulit, pero sobrang mahal ko talaga ang babaeng ito.

KUMAWAY ako sakaniya pero mataray lang siyang tumalikod at pumasok na sa building. Napangiti ako sa inasta niya at siniguro munang nakapasok na siya bago ako nagmaneho paalis.

Kahit na gusto ko siyang isama ay hindi talaga pwede. Kung alam lang niya kung gaano ako hirap na hirap sa pagtiis sakanya kanina.

Hindi siya pwedeng sumama. I'm going to HQ today dahil may operation. I'm thinking of Zoe's cute face while driving kaya naman hindi ko na namalayan na narating ko na pala ang HQ. Nang makarating ako ay si Colton agad ang naroon sa hallway.

"Wow, Cap! Blooming ka" bungad niya sa akin kaya nakatanggap siya ng isang malupit na middle finger.

"Fuck off, Colton" tamad na wika ko.

"In love ka 'no?" patuloy niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Zoe...Zoe...Zoe" ngisi niya at sinundot ang bewang ko kaya nasapak ko siya bigla.

"Sinabing tumigil eh" asik ko at siya naman ay tumawa lang habang hinihimas ang tagiliran niyang sinapak ko.

Tatawa-tawa naman siya at panay ang asar sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at tumulak na kami sa office ni Commander.

Pagpasok doon ay agad na dumapo ang paningin ko sa pader na may hugis tao. Napangiti ako nang may maalala roon. That was years ago nang paulanan ni Commander ang paligid ng buo kong katawan sa pader na ito. Hindi niya na iyon pinaayos kaya naroon pa rin.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon