Chapter 14

3.2K 130 7
                                    

UMIWAS ako sa suntok na pinakawalan ni Conor. Mas ikinuyom ko ang kamao at sinalubong siya nang pag-atake ngunit madali niya lang rin itong iniwasan. Malakas na umigkas ang paa niya at agad na tumama ito sa dibdib ko.

I coughed blood and held my hest tight. Mabilis na umikot ang paningin ko pero piniglas ko lamang ang aking ulo. Dumura ako at napatiim bagang nang makita na may kasama pa rin iyong dugo, hindi ko na ininda ang sakit nito dahil nasanay na ako sa mga suntok at sipa na natatamo ko mula sakaniya.

Sinubukan kong abutin ang kutsilyo na malapit sa akin pero agad na tinapakan ni Conor ang palad ko.

"ARGH!!!" walang kasing-lakas ang sigaw ko nang diinan niya ang pagtapak dito dahilan upang tumunog ang ilan sa mga buto ko roon.

Narinig ko ang sigaw ni Colton mula sa malayo kaya muli akong pumiksi. Tinigilan ni Conor ang pagtapak sa palad ko nang tapikin ko ang hita niya, dahil doon ay nagkaroon ako nang pagkakataon na makatayong muli. Nakaluhod ako at malapit nang makatayo ngunit mabilis na sinipa ni Conor ang likod ng hita ko dahilan kunh bakit tumilapon akong muli.

"GABRIEL, TUMAYO KA RIYAN PAPATAYIN TALAGA KITAAAA!" sigaw ni Colton mula sa malayo.

Pinapatayo ako tapos siya rin naman pala ang papatay sa akin, abnormal talaga...

Huminga ako nang malalim bago umubo nang iilang beses. Ang pawis, dugo at luha ko ay halo-halo na. Akala ko ay titigilan na ako ni Conor pero agad akong nabilaukan nang sapuhin niya ang leeg ko at itaas ako sa hangin gamit lamang ang isang kamay.

"TANGINA KA GABRIEL LUMABAN KAAAA!" Muling hiyaw ni Colton at halos sirain na ang rehas na nagkukulong sa aming dalawa ni Conor.

Gago! Ikaw kaya rito at itataas ka ni Conor sa hangin habang sinasakal.

"Hindi ito ang inaasahan ko sa'yo, 002" dismayadong wika niya habang sakal-sakal ako.

Binitawan niya ako at parang isang magaan na laruang inihagis sa sahig. Nanghihina ang buong katawan ko habang hinahabol ang sariling hininga.

Ang saksak ng patalim sa paa ko na tumatagas ay hindi rin nakatulong dahil pakiramdam ko'y inuubos nito ang kakaunting dugo na natitira sa buong katawan ko.

Patuloy na umagos ang luha sa mga mata at kasabay nito ang malapot na dugo mula sa iba't ibang parte ng aking katawan. Ilang segundo rin akong namumutla bago naka-recover mula sa pagkakasakal sa akin ni Conor.

Pangalawang subok ko na ito upang talunin siya...pero wala pa rin akong kalaban-laban sakaniya.

I failed...for the second time, I failed again.

Lumabas mula sa ring si Conor at pinagmasdan ako mula roon. Dismayado ang tingin niya saka umiling. Tuloy-tuloy itong lumabas ng silid at nang mawala siya ay sabay na pumasok sa ring sina Colton at River.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakadapa at ang mukha ay nakasubsob sa sahig. Gusto kong maiyak dahil sa pangalawang pagkakataon ay natalo ako ulit. Gusto kong magwala dahil pakiramdam ko ay nasayang ang dalawang taon na paghihirap ko sa ensayo upang kalabanin si Conor muli.

Noong unang laban namin ay natalo niya ako. Dumugo ang kanang tenga at mata ko noon dahil sa malakas na sipa niya. Ang balikat ko ay nahiwa niya nang matalim na espada at nagkapatong-patong doon ang peklat at sugat ko. Sa isang peklat ay may nakapatong na isa pang peklat at sa ibabaw ng peklat na iyon ay naroon ang sariwang sugat.

Naalala ko kung paanong araw-araw ako naka-hoodie jacket at shades noon para lamang itago kay Zoe ang mga natamo ko. Bakasyon namin noon at masaya naman ako dahil matagumpay kong naitago sakan'ya ang kalagayan ko. Pero ngayon ay heto nanaman at iisipin ko kung paano ko didiskartehan ang pagtago ko kay Zoe ng mga ito.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now