Chapter 8

3.6K 161 15
                                    

This chapter is dedicated to:
ceyeonie

***

"UBUSIN mo ang pagkain, hindi pinupulot ni kuya ang pambili n'yan" ani ko at hinarap siya sa akin matapos lagyan ng bimpo ang likod niya.

"Opo...sayo na 'to" sagot niya at inabot ang isang slice niya ng tinapay.

"Meron na ako" tanggi ko pero sinubo niya pa rin sa akin ang tinapay.

Nakaluhod kasi ako para magpantay kami, madali tuloy para sakaniyang ipilit na isubo sa akin ang tinapay. Nasamid ako nang kaunti at tumawa naman siya.

Wala na akong nagawa kundi nguyain iyon at ubusin.

"Pumapayat ka talaga, kuya..." malungkot na sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Kumain ka kasi sa oras, sige ka...magagalit si Mama 'pag hindi ka kumain sa oras" bulong niya at pumatak ang luha sa mga mata niya.

"Hey, Zoe..." tawag ko sa kaniya at binuhat siya.

Ouch!

Parang may pinunit sa likod ko at sinaksak ng sibat ang balikat ko dahil sa simpleng pagbuhat na aking ginawa. Huminga ako nang malalim at kinagat ang labi para pigilan ang pag-daing.

Sumuksok sa balikat ko si Zoe at doon ay mahinang umiyak. "Shh...tahan na" hagod ko sa likod niya at pinatakan ng halik ang kaniyang ulo.

"Why are you crying?" tanong ko at umiling lamang siya, nakayuko.

"Hindi mo ba namimiss sila Papa at Mama, kuya?" umiiyak na tanong niya.

Namimiss...sobrang miss na miss ko na sila.

Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik lamang. Nanatili kaming ganoon hanggang sa siya ay tumahan na at sinabing ibaba ko siya.

"Pasok ka na do'n...male-late ka na" sabi ko at pinatalikod na siya sa akin.

Ayokong makita niya na pinipigil ko rin ang luha ko sa pagpatak kaya itinalikod ko siya sa akin. Bahagya ko siyang tinulak paabante para maglakad na siya papasok sa school, ngunit nanatili lang siyang nakatayo roon at hindi lumalakad.

"Are you really okay, kuya?" tanong niya na nagpayuko sa akin.

No.

"Y-Yeah! Sige na, little doll" taboy ko sakaniya na masigla pero bahagyang pumiyok ang boses ko. "I love you..." bulong ko sa mahinang tinig pero alam kong nadinig niya.

"I love you too, kuya" sagot niya at lumakad na.

Nakita ko kung paano niya pinunasan ang mga mata habang papalayo. She didn't utter a word after that but I saw in her cute eyes how sad she is habang kausap ko siya kanina.

She's worried for me pero nalulungkot siya dahil wala siyang magawa.

You don't have to do anything, little doll...because your mere existence is the exact reason why I'm still fighting.

PAGPASOK ko sa room namin ay wala pa ang guro. Dumiretso agad ako sa upuan at dinampot ang lahat ng tsokolate at candy na naroon. Hindi naman Valentine's day pero may nagbibigay ng mga ganito.

Nasanay na rin ako, mula ba naman Grade 7 ako ay marami na ang nagbibigay ng mga ganito sa akin. Sinilid ko ang mga iyon sa bag ko bago umupo.

Marami nanaman akong pasalubong kay Zoe.

Napailing ako at dumukdok sa desk ko. Si Zoe kasi ang nakikinabang sa mga 'yon, binibigay ko sakaniya ang mga natatanggap ko at tuwang tuwa naman siya.

Maya-maya ay isang kalabit sa balikat ang nagpa-igtad sa akin.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now