Chapter 2

4.5K 175 17
                                    

MARAHAN akong naglakad patungo sa likod ng bahay namin. Nandoon kasi ang bodega namin, hindi madalas pumunta sila Mama sa bodega, kaya safe tumira si little doll doon, for the meantime.

"Shh! 'Wag ka maingay, little doll" senyas ko sakaniya. "Baka marinig tayo nila Mama, mayayari tayo pareho" bulong ko at inalalayan siya papasok sa bodega namin.

"Okay po" sagot nito at kunwaring sinarado na parang zipper ang labi niya.

"Good girl" bulong ko ulit at pumasok na kami pareho. "Ay! Cover your nose muna pala, little doll" utos ko dahil maalikabok sa loob.

"Now, sit down...lilinisin muna ni kuya ang bed mo" ngiti ko at binigyan siya nang maliit na silya.

Masunurin naman siya at naupo sa bigay kong silya. Pinanood niya ako na maglinis habang nakatakip ang kaniyang ilong.

Sinimulan kong pagpagin ang kama na pinaglumaan ko. Tinambak na ito rito nang makabili kami nang bago. Hindi pa naman ito gaanong sira, buo pa at tiyak na magagamit pa nang matagal ni little doll.

"Little doll, can you hand me that towel?" ani ko at tumayo naman siya agad para iabot sa akin ang basahan.

"Here po" saad nito, dalawang kamay pa ang gamit nito sa pag-abot nang maliit ma towel.

Napaka-cute, kakagigil!

"Thankyou, sit down kana ulit, matatapos na si kuya" saad ko. maliit na ngumiti.

Pinunasan ko ang mga alikabok na maaaring makasama sa kaniya. Tinanggal ko rin ang mga naka-harang. Iyong mga tools at matatalim na bagay ay tinago ko sa medyo malayo at itinaas sa safe na lugar para hindi mapahamak si little doll.

"Wait mo ako diyan ah, huhugasan ko lang itong basahan" paalam ko at lumabas.

Sinundan niya naman ako nang tingin habang hawak ang naka-tirintas niyang buhok. Yakap na ulit niya ang kahon ng chocolate na may kaunting bawas. Kinain na niya.

Sabi ko maghahapunan muna, eh!

Mabilis kong binuksan ang gripo sa tabi ng bodega, kinusot ko ang maruming basahan at bumalik na ulit sa loob.

Minadali ko ang paglalampaso sa sementadong sahig dahil mukhang naiinip na ang maliit kong panauhin.

Pawis na pawis ako nang matapos sa paglilinis. "Come here, try mo higaan itong bed mo" tawag ko sakaniya.

Buti nalang at may nakita akong nakatambak na kobre kama rito, iyon nalang ang nilagay ko, tapos ay dalawang unan na dati ko ring ginamit pero tinambak na rito.

Pinagpag ko ang lahat at inamoy, malinis naman kaya safe para sakaniya. Ang mahalaga lang naman dito ay safety niya at pagiging komportable.

"Bango 'to, kuya" turo niya sa white polo uniform na hinubad ko kaya natawa ako.

Hinubad ko ito kanina at sinampay sa headboard ng kama, mainit kasi kaya pinawisan ako. Sandong puti nalamang ang suot ko ngayon.

"Hindi 'yan, little doll" saad ko at natatawang kinuha ang uniform kong hawak niya. "Amoy pawis ko na 'to, anong mabango?" tawa ko ulit at mahinang pinindot ang pisngi niya.

Feeling ko kasi ay masasaktan siya kapag pinisil ko ito, kaya pinindot ko nalang nang marahan.

"Okay, now listen..." kuha ko sa atensyon niya. "You need to stay here. Bawal lumabas, do you understand me?" Wika ko at tumango naman siya.

Mas humarap ako sakaniya at pinunasan ang pawis niya sa noo. "Kapag lumabas ka rito, magagalit si kuya" seryosong ani ko at nakita ko kung paanong nabahiran nang kaunting takot ang mga mata niya.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon