Chapter 31

3.3K 123 16
                                    

NERVOUS. That's what I'm feeling right now. I nervously fixed my necktie and brushed my hair up with my long fingers. I also put my shaking hands inside the pocket of my black pants as I walk back and forth.

"Cap, hilong-hilo na ako umupo ka muna..." wika ni Colton at hinilot ang noo niya. "Kalma lang, Cap" tawa niya.

"Tell me how can I f*cking calm down, What if Zoe rejects me? I'll deffinitely lose my sanity if ever that happens" saad ko at nakagat ang aking labi bago hilamusin ang aking mukha.

Gusto ko nalang maging kamote.

"Grabe! Paano nga kung mangyari 'yon?" Aniya na nakapagpatigil sa akin. "Eh, diba nililigawan din ni 0012 si Zoe?" He said and covered his mouth.

He's talking about Calvin. Umigting ang panga ko at kumuyom ang aking kamao. Colton walked near me at tinapik ang balikat ko.

"Paano kung ngayon tatanungin ni Calvin si Zoe kung pwede niya maging girlfriend?" He predicted at tumingin sa akin bago mayroong naaawang ekspresyon. "And then Zoe answered yes. Paano ka, Cap?" Aniya kaya biglang nagdilim ang paningin ko.

"Paano kung tinarak ko sa leeg mo ang steak knife na ito?" seryosong wika ko at pinakita sakanya ang kutsilyong nakuha ko sa mesa. "And then you'll die" taas kilay na wika ko at napalunok naman siya.

"C-Cap...joke lang eh" aniya sabay layo sa akin at nag-peace sign.

TODAY is the day that I will ask for Zoe's permission if I can court her. Wala nang atrasan ito. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pagiisip nito. I can't avoid her forever just because I'm being a coward asshole. Sino ba namang hindi matotorpe? Sa gandang iyon ni Zoe ay nakakalimutan ko lagi ang sasabihin ko kapag mapapatitig ako sakanya.

I remembered that time na nasa bahay kami. Last week lang iyon at balak ko na sanang umamin. Kaya lang habang naguusap kami ay parang mamamatay na ako sa pagkaputla at panginginig. Iyong dila ko pa ay ayaw makisama dahil panay ang utal.

"Humihinga ka pa ba, Cap?" tawa nanaman ni Colton.

"Mali talaga ang desisyon ko na magpatulong sayo eh" irap ko at niluwagan ang kurbata ko.

"Hoy! Ang dami kong natulong sayo ah! Ako nag ihip sa mga lobo na iyan at halos manakit ang mga pisngi ko, Ang yaman-yaman mo tapos kahit pampalobo ng balloons ay 'di mo manlang mabili!" asik niya at pinanlakihan ako ng mata.

"Dapat lang sayo 'yan, masyado kang mareklamo" ngisi ko.

"Sama ng ugali mo, busted ka sana kay Zoe" aniya at dumila.

"Fuck you, Colton. 'Wag mo 'ko igaya sayo" asar ko at siya naman ngayon ang sumama ang tingin sa akin. "Asan na si Ilog? Busted ka, right?" tawa ko at binato naman niya ako ng tinidor na agad kong nasalo.

"Wala pang holloween ghinost na ako" nguso niya habang kunot ang noo.

Natawa naman ako ng malakas. Pero muling bumalik ang kaba ko nang makita ang oras sa wristwatch ko.

"Ready ka na, Cap?" aniya at umiling naman ako.

"W-Wait, parang tatalon yung puso ko" amin ko at sinapo ang dibdib.

"The fuck, Cap?!" aniya at todo tawa kaya sumama ang tingin ko. "Malala ka na" Tawa niya at tinapik ang balikat ko.

Huminga ako ng malalim bago nilibot sa paligid ang paningin ko. Dito sa likod ng bahay ako naghanda ng sorpresa para sakanya. Dito ko napili dahil puno ng maraming memories namin ang lugar na ito.

Nilingon ko ang bodega at napangiti. Puno ng romantic lights iyon at kaygandang pagmasdan. Para naman sa gitna ng bermuda grass kung saan kami madalas na humiga noon ay nakalagay ang isang lamesa na inayusan namin ni Colton. And then I bought 17,000 roses at pinalibot namin ang petals ng mga iyon sa buong lugar. 17,000 talaga ang binili ko dahil 17 years ko siya hinintay at ngayon lang ako nagka-lakas ng loob na sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Ang tapang ko sa operation tapos pagdating kay Zoe ay inabot pa ng 17 years bago ako nagkalakas ng loob.

Adopting The Criminal's DaughterWhere stories live. Discover now