Simula

438 10 2
                                    

"Zel! Bilisan mo nga ang bagal-bagal!" Napabuntong hininga ako saka mabilis na inabot kay Tita Lux ang pinapakuha niyang suklay.

Pahablot niyang kinuha sa kamay ko 'yon kaya napayuko nalang ako.

"Ano ba Zel! Kapag inutusan ka 'wag kang babagal bagal. Mabuti nga at pinapakain ka dito."

Tahimik nalang ako tumango saka nagpilit ng ngiti. "Sorry po Tita."

Pairap siyang tumingin sa akin. "Magluto ka na! 'Wag kang tutunganga diyan!"

Napatalon ako sa gulat saka dali-daling umalis sa harap niya saka pumunta sa kusina na ilang hakbang lang galing sa sala kung nasaan siya.

I am used to it. Parte man ako ng pamilya pero hindi ko naramdaman na tinuring nila akong isa. But it's fine, sila nalang ang meron ako swerte parin ako kung tutuusin. Kaya ko namang pagtiisin lahat.

Sabi ni Lola namatay daw si Mama pagkapanganak sa akin kaya hindi ko talaga ako namulat sa kaniya. Nakikita ko lang siya sa picture at hindi ko rin kilala ang tatay ko. Hindi ko alam kung totoo pero sabi ni Tita Español daw ang tatay ko na nakilala ni Mama noong nagtrabaho siya sa Spain noon pero hindi ako pinanagutan.

Maybe I got this beauty from my father. I must admit that I don't really look like a Filipino, I am tall and fair for a whole Filipino. Swerte daw ako sa mukha ko, pero hindi ko naman nagagamit.

As long as I'm breathing it's fine. Kaya ko naman magtiis, makatapos lang ako sa pag-aaral okay na ako.

"Zel, bilis na gutom na ako!" Inis na sabi sa akin ni Lexi na pinsan ko.

"Patapos na ako." Mahinang sabi ko kaya inirapan niya lang ako at tumbi kay Tita sa sala.

Saglit ko silang tinapunan ng tingin at kitang-kita ko kung paano ngitian ni Tita si Lexi. I wish they could look at me the way they look at her.

Nang matapos akong magluto naghain na kaagad ako at tinawag si Lola na nasa labas ng maliit na bahay namin.

"La kakain na po." Ngumiti si lola sa akin ng matipid bago pumasok sa loob ng bahay para kumain.

Nang makapasok kami kasalukuyan ng kumain si Lexi, Tita Lux at Tito Bernard na walang iniisip na iba kundi ang mga sarili nila. Naupo narin kami ni Lola at kumain narin kasabay nila.

"Lola may nakita akong phone sa classmate ko, bili mo rin ako." Malambing na sabi ni Lexi kalaunan kay Lola kaya napatigil ako sa pagkain at bumaling kay Lola.

Ngumiti si Lola ng matamis kay Lexi. " Sige Apo, malapit na akonhg maglaon sa life bank, ibibili kita."

"Yes, thanks La."

Dahan dahan ulit akong napatingin sa pagkain ko at malungkot na ngumiti. I'm envy. It's not about the phone itself, but I wish she could also spoil me like how she spoil my cousin. Pero okay lang, naiintindihan ko naman.

"Zel hugasan mo ang mga plato saka basain mo narin ang mga dahon ng kamote na ibebenta ko bukas. Matutulog na ako."

"Sige po La."

"Zel, itago mo narin ang natitirang ulam."

Napatango nalang ako saka ginawa lahat ng pinag-uutos nila. Nang matapos ko lahat agad na akong naglatag ng banig sa sala at kinuha ang notebook ko para gumawa ng assignments ko.

"Zel, pakitimplahan naman ako ng gatas."

"Sige" mahinang sabi ko saka tinimplahan ng gatas si Lexi at hinatid sa kwarto niya.

Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ng agahan at para ilagay sa plastic na malaki ang ibebenta ni Lola sa palengke maya-maya.

"Zel asaan na ang kape ko." Nakayuko kong inabot kay Tito ang kape niya na kinuha niya naman kaagad at walang pasubali na lumabas ng bahay.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon