Kabanata 3

208 8 0
                                    

Kagat labi akong nakatulala sa labas ng bahay kahit gabing gabi na. Kanina pa kami nakauwi galing mansyon pero ang isip ko nandoon parin. Kaya kahit isang assignment wra pa akong natatapos kahit pasado alas dose na.

Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nagkausap kami ng matagal.

Kinabukasan hindi ko man sinasadya pero antok at puyat ako. Halos las tres akong natulog. Nag-isip lang ako ng nag-isip ng kung ano-ano tapos halos dalawang oras lang ang paggawa ng assignments. Puyat ako kasi hindi ako nakatulog sa kaiisip sa nangyari sa mansyon.

"Zel bilis!" Pag-aapura sa akin ni Lexi kasi walang wala ako sa sarili habang nagluluto.

May quiz pa naman kami ngayon sa isang major subject at hindi ako gaanong nakapag-aral. Second semester na kaya kailangan ko dapat tumutok sa pag-aaral ngayon kasi last year ko na. Hindi ako pwedeng magpasang awa.

"Puyat ka?" Nagtatakang tanong ni Ella habang nagbabasa ako ng notes ko habang papaunta sa klase namin.

Dahan dahan naman akong tumango ng hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Pero pakopya mamaya Zel, walang wala talaga ako ngayon." Nwpanguso nalang ako at hindi na siya sinagot pa para masaulo ko ang sinasaulo ko.

Nang magsimula ang quiz kampante naman na ako kasi halos nasaulo ko na lahat ng lessons namin kaya ng nagbigay ng questionnare si Sir nasagutan ko naman kaagad.

"Zel tulong" naiiyak na bulong ni Ella na kasalukuyan ng sinisipa ang upuan ko mula sa likod.

Bahagya naman akong natawa dahil sa ginawa niya saka pasimpleng tinagilid ang sagot ko para medyo makita niya.

"Hindi kita" reklamo niya kaya nangunot nalang ang noo ko sabay ayos ng hawak sa papel.

Nang mapasa namin ngiting ngiti si Ella.

"Ay salamat! Akala ko hindi na ako makakagraduate!"

Tahimik nalang ako habang papalabas kaming tatlo ng campus.

Half day lang ang pasok namin ngayon sa hindi malaman na dahilan. Kung hindi siguro ako graduating magiging masaya ako pero last sem na tapos last year ko pa kaya hindi magandang palagi nalang walang pasok.

Kaya nga hindi ako nagtrabaho ng mga part time ngayong sem kasi graduating na ako, para matutukan ko ang pag-aaral ko.

I gave up my work in a bakery near the market even though I badly need money.

Pero baka may ginagawa lang talaga ang mga professors.

"Milk Tea tayo! Sa tabi ng St. Luke's." Suggest ni Mace na nagpangiwi sa akin.

Ang mahal.

Kailangan ko ng pera. Kailangan ko na talaga ng trabaho.

"Sama ka Zel?" Nakangiting aya ni Ella kaya dahan-dahan lang akong umiling.

"Okay" agad na sabi ng dalawa saka agad nagpara ng trisikel para sumakay.

Tahimik nalang akong naglakad papunta sa palengke. Walang wala na talaga akong pera. Kailangan ko ulit ngayong bumili ng fortfolio, clear book at yellow pads.

Marami rami rin akong kailangan sa mga projects.

Nang mapatingin ako ng oras sa mumurahing wrist watch ko agad akong napabasa ng labi ng mapansing malapit ng mag-alas dose. Nagtatalo pa ang isip ko kung uuwi ako ngayon o doon muna ako kay Lola para tumulong.

Kung uuwi ako sa bahay sigurado ako na nandoon lang sina Tita, Lexi at si Tito kasi wala naman silang trabaho. Sigurado akong maglqlaba naman ako ng mga damit nila o kaya iuutos ni Tita maglinis ako ng kwarto nila. Kapag dito naman sa palengke ako nalang ang magbabantay sa pwesto ni Lola.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon