Kabanata 5

204 6 0
                                    

Today is Saturday and my mind is busy thinking the works I need to do for this day. Marami akong labahan kasi tambak ang kina Tita.

"Zel bilisan mo ang paglalaba para matuyo kaagad!" Galit na utos ni Tita kaya mabilis akong tumango-tango.

"Zel ito pa" nakangising sabi ni Tito sabay lapag ng pantalon niya na tinanguan ko lang. Napailing iling siya bago ako iniwan.

Napalunok nalang ako saka sinimulan ng kusutin ang mga gabundok na labahan ko.

"Zel pagkatapos mo palitan mo ang bedsheet ni Lexi. Nangangati na siya."

"Opo"

Halos dalawang oras ang ginugol ko sa paglalaba at pagbibilad ng lahat ng nilabhan ko.

My Saturday was a busy day because of my household chores. So when Sunday came I am done with everything in our house. Nagplano ako na maghanap sana ng trabaho sa palengke kaso hindi rin natuloy dahil sa biglang pag-ulan. Hindi rin nakapagbenta si Lola sa palengke dahil sa lakas ng ulan.

"Ang lakas ng ulan, wala na tayong bigas bukas." Problemadong sabi ni Lola bago umiling-iling.

Tahimik nalang ako na sumandal sa hamba ng pinto habang tinatanaw ang pagbagsak ng ulan. I hate the rain as much as I hate night. Because rain could give me nothing but sadness. Why? Because I couldn't do works outside and the down feeling everytime it's raining is really not good for me. Palagay ko umiiyak ang langit kaya gustong-gusto ko ring umiyak.

"Zel may pera ka pa ba diyan?" Mahinang tanong ni Lola kaya matamlay ko siyang nilingon.

"Wala na talaga La, maghahanap nga sana ako ng trabaho sa palengke ngayon kaso umuulan. Isang daan na lang talaga ang pera ko." Pagsasabi ko ng totoo kaya napabuntong hininga siya.

Lola is carrying all the expenses of this house. Matanda na siya pero kargo niya parin lahat. Tanging pagbebenta ng gulay at paggawa ng sapin-sapin ang trabaho niya. Lubog na rin siya sa utang. Noong may trabaho pa ako sa bakery tumutulong ako sa gastusin kahit kuryente lang pero ngayon wala rin akong mapagkukunan.

Ang hirap pangarap kapag mahirap ka lang. Parang lahat nalang kumplikado.

If only my sadness could give us food and money. Sana mayaman na kami ngayon.

"Zel ihatid mo muna ito kay Mareng Linda. Walang-wala na talaga tayong pambili ng bigas bukas kung hindi niya mabili ito." Sabi ni Lola ng medyo tumila ang ulan.

Tiningnan ko ang isang bilao ng sapin-sapin bago tumango.

"Sabihin mo rin na kung pwede pautangin niya muna ako ng isang libo. Babayaran ko sa susunod na linggo kamo."

"Sige po" mahinang sabi ko bago inabot ang sapin-sapin saka kumuha ng payong.

Naglakad ako palabas habang nagpqpayong kasi medyo umaambon pa. Pagkarating ko sa pila ng trisikel halos wala akong nakitq ni isa kaya wala akong pagpipilian kundi maglakad nalang. Binilisan ko ang lakad kasi nag-aambang umulan na naman ng malakas.

"Zel sakay ka na, hatid kita. San ba?" Biglang sabi ng humintong motor sa tabi ko.

Tiningnan ko 'yon at nakitang isang kaklase ko noon ng highschool. Isang nagtangkang nangligaw.

"Wag na, malapit na naman." Sabi ko sabay iling.

"Sige na Zel, baka maabutan ka ng ulan."

Ngumiti ako ng marahan saka tinuro ang mansyon sa malapit. Ilang hakbang nalang mararating ko na ang pupuntahan ko.

"Ay diyan ka pupunta? Sayang pala." Natatawang sabi niya.

"Salamat nalang"

"Sige sa susunod nalang, isasakay kita sa susunod."

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon