Kabanata 37

431 10 0
                                    

"Daddy! Daddy! I want my Daddy!" Iyak na iyak na sigaw ni Zed habang nagtatapon ng mga unan.

"Daddy is at work Zed." Kalmado kong sabi pero mas lalo lang siyang umiyak.

Kagigising niya lang at nalaman niya kaagad na wala ang Daddy niya. I am trying to calm him down but he doesn't want to.

"Zed listen, uuwi rin naman ang Daddy......"

"No Mommy! I want my Daddy! Daddy! Daddy! Daddy!" Nahihirapan na siyang huminga dahil sa kakaiyak.

Napapikit ako ng mariin sabay hilot sa sintindo ko.

"Zed..."

"Daddy! Daddy! Daddy! Daddy! I want Daddy! No! Daddy!" Iyak na iyak niya at binabangga niya pa ang sarili sa headboard ng kama.

I literally don't know what to do right now.

I know what's running inside his head right now. Akala niya iniwan siya ng Daddy niya. I am trying to explain that his Dad just went to work but he is too preoccupied on his own thoughts.

"Baby your Dad will come hom, ibibili ka niya ng toys....."

"No Mommy! Daddy! Daddy!"

Mas inuntog niya ng malakas ang ulo niya sa headboard kaya agad ko siyang hinawakan saka hinila papunta sa akin kaso nagmamatigas. He slap my arms a lot of times.

"Daddy! Daddy! I want Daddy!"

I sighed.

"I told you that...."

"Mommy no! My Daddy! I want my Daddy!"

"Shhh stop crying now. Come on we'll go to your Dad." Natatarantang sabi ko kasi baka magkasugat siya kakahampas sa sarili niya.

Kumalma siya ng kaunti saka lumapit sa akin. Agad ko siyang binuhat pero iyak parin siya ng iyak. Nawawalan na siya ng boses sa grabeng pag-iyak.

He keep on calling his Daddy.

"Let's eat first and we'll go to your Dad okay?" Marahang sabi ko pero mas lumakas ulit ang iyak niya saka nagsimula na namang maglikot.

"No! Daddy! Daddy! I won't eat! My Daddy!"

"God Zed, fine, maligo ka muna." Nawawalan ng pasensya ko ng sabi.

I never thought that my son will be this spoiled.

"Mommy! Daddy!" Iyak na iyak na sabi niya parin ng ilapag ko siya.

"Let's shower first Zed. Stop crying, your attitude." Seryosong sabi ko kaya medyo natahimik siya.

"Daddy? Daddy?" Alingangang tawag niya. Nagbabakasakaling nandito lang ang Daddy niya.

Dahan-dahan ko siyang binuhat saka dinala sa banyo. Kung hindi ko siya dadalhin sa Daddy niya ngayon baka mahimatay 'to kakaiyak. Even when we are taking a shower he still call his Dad. Walang wala siya sa sarili habang umiiyak. But unlike earlier, he is calm now.

"We should eat first, alright?" Mahinang tanong ko matapos kaming magbihis.

"Mommy no" nagmamakaawang sabi niya pero umiling ako.

"We will eat first before going to your Dad Zed Axton."

Nagsitulo ulit ang mga luha niya. Naaawa ko siyang tiningnan. I can't bear looking at my son like this.

"Mommy p-please, Daddy." Pagmamakaawa niya.

I sighed and hug him tight. "Fine, doon na tayo kakain sa office ng Daddy mo. Kahit sandwich lang Baby?" He nod so both went downstairs to get his sandwich. Hindi naman ako nagugutom.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon