Kabanata 9

213 7 0
                                    

Hindi ko alam pero tahimik kong pinagdarasal na sana biyernes na pagkagising ko. At mukhang pinakinggan ako ng panginoon kasi mabilis na dumating ang biyernes.

Puno ako ng positibong enerhiya habang ginagawa ang mga gawain ko para sa araw na 'yon. Hindi ko alam kung bakit wala lang sa akin ang umabsent ngayong hapon. Maghahalf day lang ako ngayon na never kong ginawa. I love my studies so much and this is new to me.

Noon nga kahit may sakit ako pumapasok parin ako parz walang mamiss na lessons.

Something inside me wants to control the time so it would run so fast.

Inip na inip ako bawat klase at hindi ko maiwasang tumingin sa kabas na para bang kating-kati ng umalis.

"Zel uy, may quiz." Kalabit sa akin ng katabi ko kaya nankaki ang mga mata ko.

Sa huli tinawanan ko nalang ang pagiging lutang ko pero nagpasalamat parin kasi nasagutan ko naman lahat ng quiz.

"Meryenda Zel, libre ko!" Masayang aya ni Don pagkakita niya sa akin.

Lahat naman ng nandito sa hallway napatingin sa amin dahil sa lakas ng boses niya.

"Wag na Don" natatawang sabi ko kaya napanguso siya ng bahagya.

"Saan ka ba?"

"May klase na ako"

Nanlaki ang mga mata niya. " ay sige"

Iniwan ko na siya doon ay agad ng dumiretso sa sunod na klase ko.

Pakiramdam ko ang bagal-bagal ng takbo ng oras habang naglelecture ang prof sa harap. Tingin ng tingin ako sa wrist watch ko pero ang bagal talaga ng oras. Ang tagal...

Nang breaktime ko na sa library nalang ako dumiretso para magbasa saglit kasi hindi naman ako bibili kasi wala naman akong budget para sa meryenda. May pera na akong naitatabi galing sa bayad ng mga projects pero iipunin ko nalang imbis na ibili.

May baon naman akong tubig kaya okay lang.

Nang matapos ang huling klase ko agad tumalon ang puso ko sa tuwa. Niligpit ko lahat ng gamit ko para sana lumabas na kaso tinawag ako ng prof.

"Zel, tulungan mo muna akong magcheck nito." Nakangiting sabi ng isa sa pinakamatandang prof namin.

Nakangiti naman akong lumapit sa kaniya saka sinunod ang sinabi niya.

"Pasensya na Hija, magtanghalian ka na doon."

"Sige po, kayo rin po."

Dali-dali akong lumabad ng room sabay tingin sa relo na suot. It's already twelve thirty and I am not sure if Zaid is already waiting for me outside of the campus. Hindi ko alam kasi hindi kami nakapg-usap ulit.

"Zel lunch!" Aya ni Mace ng makita ako.

"Sige lang" sabi ko kaya nagkibit balikat nalang silang dalawa ni Ella saka hindi na ulit ako binalingan.

Mabilis akong naglakad papalabas ng campus. Nang makarating ako sa labas agad akong nagpalinga-linga at agad nahagip ng mga mata ko at kotse ni Zaid. Maglalakad na sana ako papunta doon pero humarang bigla si Gian sa harap ko.

"Zel" nakangiting bati niya kaya nagpilit ako ng ngiti saka napasulyap sa kotse ni Zaid na sa harap lang.

"Uy Gian" bati ko kahit atat na atat ng umalis sa harap niya.

"Sabi ni Mama alas siyete daw bukas nandoon ka na."

Napangiti ako saka tumango-tango. "Sige, sabihin mo sa Mama mo salamat talaga."

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon