Kabanata 4

198 10 0
                                    

Kinabukasan umasta ako na parang wala lang nangayring kahit ano kagabi. Kung mausumbong naman ako, wala naman silang pakialam. Kaya mas mabuting tumahimik nalang ako.

"Mama baon ko" ungot ni Lexi kay Tita at agad naman siyang bingyan ni Tita ng pera.

Nang lumabas si Lexi ng bahay sumabay na ako sa paglalakad kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Sasabay ka? Gaga ka ba? Mamaya ka na." Masungit na sabi niya kaya napahinto ako sandali para mauna siya.

Tinanaw ko lang siyang naglalakad papunta sa pila ng mga trisikel at noong nakaalis na ang sinakyan niya saka ako naglakad papunta sa sunod na pila.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na ayaw ni Lexi na nakikitang malapit ako sa kaniya sa labas ng bahay. Mula elementary hanggang ngayon pareho kami ng pinapasukan pero halos bilang lang ang mga interaksyon namin. She doesn't like me really. But it's fine.

"Zel may problema ka?" Napangiti ako sa tanong ni Mang Pitong.

"Wala po."

Umiling iling siya sa akin habang nakangiti ng bahagya. "Ikaw Zel, baka sumakay ka rin sa akin habang umiiyak dahil sa lalaki."

"Hindi po, wala po akong boyfriend." Natatawang sabi ko.

"Malay natin Zel, sa ganda mong 'yan." Natawa nalang ako saka umiling-iling.

"Wag naman sana." Piping dasal ko.

Ang pinakaayaw ko ay ang umiyak dahil sa isang lalaki. It's so hard for me to believe in love. Kung may pagmamahal bakit wala akong maramdamn? Bakit hindi ko naramdaman?

Kung nag-eexist pala ang pag-ibig sana kahit katiting may naramdaman  ako. Pero kahit sa pamilya ko wala kaya bakit pa ako maghahangad ng pag-ibig galing sa iba?

I am just being a wise thinker. I just want to finish my college and find a decent job.

And to find a place where I could stay and live a simple life. Tulad ng mga nababasa ko sa libro, I want to rent a small apartment in the city. A small apartment that I could stay while working. Kahit isang kwarto lang at kahit walang gamit.

I am dreaming for that. I am dreaming for my own room. Dahil mula pagkabata never akong nagkaroon ng sarili kong lugar. Kaya siguro sabik na sabik akong makatapos para makaalis na dito. I want to give myself what I wanted.

But I won't forget about my family, tutulong parin ako sa kanila. Sadyang baka sa pagkakataong 'yon, unahin ko muna ang sarili ko.

Kung sa sitwasyon ko, gugustuhin ko nalang na mamuhay mag-isa. Kasi wala namang pinagkaiba. I am all alone in this dangerous world. I am thankful that I still have a family but I am sad at the same time. Because I don't feel like I have one. I am not a family member in our house, I feel like I am a servant.

"Pakopya Zel!" Sabi ni Ella at Mace at pinag-agawan pa ang assignment ko. Matipid nalang akong ngumiti saka tumingin sa kanila habang kinokopya ang gawa ko.

"Miss Acevedo, are you with us?" Agad akong napakurap-kurap bago tumingon sa prof sa harap.

"Yes Ma'am I'm sorry." Nakangiting sabi ko kaya tumango tango lang siya at tumuloy sa paglelecture.

"Yez! Perfect assignment ko!" Masayang sabi ni Ella kay Mace.

"Ako rin gaga!" Sabi rin ni Mace saka nauna na silang dalawa na maglakad kesa sa akin.

Lunck time agad rin akong pumunta sa palagi kong tinatambayan at doon kumain ng mag-isa.

"Hi Zel!" Bati ng isang kaklaseng lalaki pagkatapos kong kumain.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon