Kabanata 14

170 10 6
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising na may masaya at maayos na pakiramdam. I feel so happy and fresh. Wala akong dinadala na mabigat sa pakiramdam sa loob ko.

Kahapon hinatid ako ni Zaid dito sa bahay eksaktong alas kuwarto ng hapon. Nakita ako nina Tita na bumaba sa kotse niya pero wala silang sinabing kahit ano. Hindi nila ako tinanong pero may panghuhusga at panunuya sa mga mata nila. Nanatili nalang akong tahimik para hindi na nila ako batuhin pa ng mga masasakit na salita.

And righy now, I feel completely fine. Hindi ko na dinamdam ang mga narinig ko kahapon sa galing mismo sa pamilya ko. I was comforted and that's feel so great. For once in my life I feel so loved. I feel that I belong to a certain place.

"Happy birthday Tita." Masayang bati ko ng makita ko si Tita na lumabas sa kwarto nila. Tiningnan lang ako at tinanguan.

Holiday ngayong araw kaya dito muna ako sa bahay. Hindi ko alam kung anong plano nila tita pada sa birthday niya pero sure naman ako na hindi ako kasama doon. Tulad ng dati, dito nalang ako sa bahay. Pero kapag nagpaluto siya ng kaunti, ako ang magluluto.

"Zel, pupunta kami sa Buron River mamaya, dumito ka lang, bantayan mo ang bahay. Huwag kang gagala." Sabi ni Tita habang umiinom ng kape.

"Opo" maikling sagot ko naman.

Sanay na ako.

"Isasama ko si Lexi, ang lola mo saka si Tito kaya bantayaan mo ang bahay. Holiday ngayon kaya wag kang pupunta sa kung saan-saan. Kaoag nalaman ko talaga na umalis ka, malalagot ka sa akin." Banata niya habang pinanlilisikan ako ng mga mata.

"Maglalaba at maglilinis po ako ng bahay Tita. Wala akong pupuntahan." Paliwanag ko.

"Mabuti, 'wag kang lumandi." I swallowed in that sentence but I didn't dare to say anything.

Nagluto ako ng pansit para dalhin nila sa Buron River at Spaghetti narin. Mga alas otso umalis na rin sila kaagad  at naiwan na akong mag-isa sa bahay. Sinundan ko sila ng tingin habang papalabas sa bahay. Nakasandal lang ako sa hamba ng pintuan habang pinapanood kung paano sila magtawanan.

Sumulyap pa sandali si Lola sa pwesto ko kaya agad akong ngumiti at pumasok nalang sa bahay.

I sighed and smile to comfort myself.

"Trabaho na Zel." Bulong ko sa sarili ko.

Dapat magtatrabaho ako kina Gian ngayon kasi wala namang pasok pero naisip ko na birthday ni Tita kaya sure akong may plano siya. Pero okay na rin, para makapaglaba ako ng mga damit na tambak sa banyo.

Nagdilig muna ako ng mga gulay at bulaklak namin bago nagwalis ng loob ng bahay pati bakura. Nilinis ko na lahat ng kalat para hindi na ako maglinis ng sagad sa mga susunod na araw.

Pawis na pawis ako matapos kong maglinis, mag-ayos at magpaspas ng mga agiw sa buong bahay. Hinakot ko lahat ng labahan sa kwarto nila pati na rin sa banyo saka dinala sa labas para doon maglaba. Marami rami ang lalabhan ko kaya mas maganda maglaba sa malawak na lugar saka maliwanag.

"Walang powder at sabon." Bulong ko sa sarili ko kaya napabuntong hininga nalang ako bago tumayo ulit.

Kumuha ako ng fifty pesos sa wallet ko saka agad lumabas ng bahay. May maliit na tindahan sa malapit na palagi ko ring binibilhan kaya walang problema.

Ilang hakbang palang ang layo ko sa bahay biglang dumagundong ang dibdib ko ng may matanaw na kotseng papalapit. Pilit kong sinasabi na hindi si Zaid 'yon pero bigla nagwala ang mga nasa loob ko ng huminto ang kotse sa saktong harapan ko.

Napaawang ang labi ko sa gulat.

Nang bumukas ang pinto 'yon nalang ang kaba ko ng makita ang kunot noo na si Zaid.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon