Kabanata 25

243 8 0
                                    

Aligaga akong pumasok sa company habang nakahawak sa leeg na wala ng kuwintas. Tingin rin ako ng tingin sa dinadaanan ko baka sakaling nahulog ko lang kahapon. I don't know where did I lost it. Napansin ko lang kagabi ng maghahalf bath na sana ako.

Pagkarating ko sa table ko halos baliktarin ko na lahat para makita kung nandoon nga pero wala akong mahanap na kuwintas. Frustrqted akong napaupo saka napapikit sa inis.

"May hinahanap ka Zel?" Tanong ni Jeff ng maabutan akong naghahanap sa buong floor.

Napabuntong hininga ako. Inagahan ko ang pasok para hanapin ang kuwintas ko pero wala parin. That is my life. That necklace is so important for me.

"Oo, 'yong kuwintas ko. Nahulog ko yata kahapon." Sabi ko habang naghahanap parin.

Medyo maliit siya kaya baka hindi ko napansin. Tinulungan na rin ako ni Jeff sa paghahanap, pati ang mga bagong dating tumulong narin sa paghahanap.

"Ano bang itsura ng necklace Zel?" Matamlay akong napabuga ng hangin.

"Ahmm, butterfly siya, gold necklace." Mahinang sabi ko kaya nagpatuloy na naman kami sa paghahanap.

Halos lahat na kami naghahanap pero wala parin kaming makita. Ang ibang mga kasama ko sa paghahanap parang naglalaro nalang. Panay buntong hininga ako kasi ramdam na ramdam ko talaga na may kulang. Kung kahapon nawala bakit ba kasi hindi ko naramdaman kaagad. Or I am just preoccupied so I didn't noticed.

Dali-dali kaming bumalik sa kaniya-kaniyang mga tabel namin ng biglang bumukas ang elevator at niluha si Ma'am. Humahagikgik pa sina Trish sa tuwa.

Malamig niya kaming pinasadahan ng tingin bago dumiretso sa office niya. I hit my lower lips and touch my empty neck. My necklace.

"Taningin natin ang elevator mamaya Zel, baka nakita niya." Ngumiti ako ng marahan kay Jeff dahil sa sinabi niya.

"Salamat Jeff."

Nahfocus nalang ako sa trabaho at pilit kinalimutan ang tungkol sa necklace. Pagkabreaktime sinamahan ako ni Jeff na puntahan ang janitor sa ground floor para magtanong.

"Wala po akong nakitang kuwintas Ma'am." Napangiti nalang ako ng matamlay sabay agad ng umalis doon.

"Baka nasa bahay niyo Zel?" Tanong ni Jeff na agad kong inilingan sabay pasok sa elevator na sinundan niya naman.

"Wala, kagabi ko pa kasi napansin na wala ang necklace ko. Sinubujan kong hanapin sa condo pero wala." Bigong sabi ko sabay sandal sa pinakaedge.

I could see that he's staring at me but I didn't pointed it out. Nanatili lang akong tulala na nakatingin sa repleksyon ko sa pinto ng elevator.

"Kaya mo naman sigurong bumili ng bago Zel." Nagbibirong sabi niya pero hindi ko magawang tumawa.

That necklace, that is my first ever jewelry. Saksi ang kuwintas na 'yon kung kailan ako masaya at kung kailan lugmok na lugmok na ako. And it was given by Zaid. Importante 'yon sa akin. I have the money to buy a new and more beautiful necklace but that one has sentimental value. Joong mga panahong buntis ako kay Zed, dahil sa kuwintas na 'yon pakiramdam ko nandoon rin si Zaid.

I slowly shook my head. "No, that one is really important."

He laughes. "Bigay ng asawa mo?" I shook my head.

"Ex?" I chuckled.

"You can say that." Natahimik naman siya matapoa kong sabihin iyon.

Matamlay akong bumalik sa table ko.

"Baka nawala sa daan Zel?" Napabuntong hininga ako sa sabi nila.

"Hindi ko alam."

"O baka nasa last floor? Sa office ni Sir?" Napatingin ako kay Terry dahil sa sinabi niyang 'yon.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon