Kabanata 11

198 7 3
                                    

"Don't you have a class?" I shook my head.

"Postponed. Hindi nila sinabi kung bakit."

We stayed silent again after that. Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta kasi wala naman ako sa lugar. And I am sure that I am safe with him. Wala naman akong dapat ikabahala.

"Wait, may dadaanan lang ako. I'll bring you home later." I nodded like I don't care but deep inside I am wondering where are we going. Sinong dadaanan niya?

Ilang sandali lang pumasok kami sa isang malapad na lupain ng mga Castañeda kung saan ang mga hayop nila tulad ng baka at kabayo. Napaawang ang labi ko ng makita sa labas ang napakaraming baka. It's my first time here!

"Dito ka lang." Seryosong sabi ni Zaid bago bumaba at iwan ako sa loob ng kotse.

Sinundan ko siya ng tingin, kitang-kita ko kung paano siya lumapit sa isang lalaki na kasing tikas niya rin. Naningkit ang mga mata ko ng mapansing anak ni Governor ang kasalukuyang kinausap niya ngayon.Si Dave. They are talking seriously but after some seconds I saw Zaid smirk like he's pissing the other guy. I could see the pissed in the Governor's son's face.

Parang ang close nila kung makapag-usap. Kaibigan siya ni Zaid pala.

Nag-usap pa sila ng ilang minuto kaya nagpasya ako na buksan ang bintana sa tabi ko para mas klaro kong makita ang mga baka na nagtatakbuhan.

"Damn Varde!" Sabi bigla ng boses sabay tawa kaya napatingin ulit ako kina Zaid.

The table turned, now Dave is laughing while Zaid looks so pissed.

"Shut up" matigas na sabi ni Zaid sabay lakas pabalik kung nasaan ako.

Tiningnan ko lang silang dalawa na naglalakad papunta sa pwesto ko. Nagtagal pa ang tingin ko sa nakangising lalaki sa likuran ni Vince. Siya kasi ang parang prinsipe ng Masvedo. He's the governor's son afterall.

Nahuli ko ang isang masamang tingin ni Zaid tungo sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

Huh?

"So......okay...." natatawang sabi ulit ng kasama niyw.

"Shut up Castañeda."

"Wala kang trabaho?" Nang-aasar pang sabi nito.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kahit rinig na rinug ko naman sila. Isang metro nalang ang layo nila sa kotse kung nasaan ako at napapasulyap pa silang dalawa sa akin kaya kinabahan ako.

"Goodluck" huling sabi ng kausap niya bago umalis ng nakangisi.

Sinundan ko naman ng tingin 'yon ng may pagkamangha. Pareho silang maglakad ni Zaid at pareho rin sila ng hubog ng katawan. Magkaiba lang ang mukha pero magkasing level ng itsura. Their eyes are so dark and they look so rough.

Bagay silang maging magkaibigan kasi parang pareho ang tumatakbo sa isip nila.

Nalipat lang ang tingin ko kay Zaid ng bigla siyang humarang kung saan ako nakatingin kanina. Napaawang ang labi ko ng makita kung gaano siya kainis at kagalit.

Nakaigting ang panga niya at nandidilim ang mga mata.

"You look like a smitten kitten while watching that guy." Malamig na sabi niya bago pumasok sa loob ng kotse.

Napaawang naman ang labi ko sa sobrang gulat.

Ano daw?

"Ha?" Nasabi ko pero wala akong nakuhang sagot.

Kunot noo ko siyang tiningnan habang nagmamaneho siya. Magkasalubong lang ang kilay niya na parang may nakakainis sa kalsada.

Nanahimik nalang ako kasi sa palagay ko kung magsasalita mapapahiya lang ako kasi hindi niya ako papansinin. Hindi ulit ako nagreklamo ng mapansin kong papunta kami sa bahay niya.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon