Kabanata 30

296 11 0
                                    

Busy ako sa pagscroll sa mga hiring na kumpaniya habang tulog si Zed sa tabi ko. Marami-rami naman ang naghahire ng mg empleyado at okay naman sa akin ang mga posisyon. Hindi nga lang kasing laki ng kumpaniya ni Zaid at hindi rin siguro kasing laki ang sweldo.

I want to get a job in a different company but I'm still thinking about it. Hindi ko pa nga nakukuha ang unang sweldo ko sa V.A.R.D.E. Sayang rin, kukunin ko siguro muna bago mag-apply sa iba.

And Zed, I'll make a way for Zaid to know him. Hindi ko lang alam kung paano.

Sinara ko ang laptop nang masiguradong hindi ako magiging jobless kung magresign man ako.

Dahan-dahan akong tumabi kay Zed saka marahan siyang niyakap. He's been asking about his father almost everyday. Kita ko na sa mga mata niya ang pagkasabik na makilala ang ama. I am hurting for my son.

I fell asleep while thinking that. Kinaumagahan nagising ako ng maaga para magluto ng breakfast.

"Beth gusto mo bang mag-aral ulit? May mga birth certificate ka bang dala?" Gulat akong tiningnan ni Beth bago tumango ng marahan.

I smiled and nod. "Next year baka gusto mong mag-aral ulit, tutulungan kita." Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"P-po?" I smiled.

I nod once again. "May gusto ka bang University na gustong pasukan? Kaya ko naman ata." Natawa pa ako ng mahina.

May naipon naman ako. And I wanted to help her. I can see myself in her.

Natigilan lang ako ng tumakbo siya papunta sa akin saka mahigpit akong niyakap. Hindi ako nakagalaw kaagad, pero sa huli hinayaan ko lang siya. She started to sob in my shoulder.

"Salamat po Ate, pangarap ko po talagang mag-aral ulit. Salamat po talaga. Tatanawin ko pong malaking utang na loob lahat ng ito." I tapped her back and just nod.

"It's fine, I wanna help you. Nagpagdaanan ko na rin 'yan."

After we ate our breakfast I immediately went to our office. Pagkarating ko doon wala pang masyadong tao kaya nagdecide akong bumili muna ng hot chocolate sa labas.

"Zel"

"Uy Jeff" bati ko ng makitang bumili rin siya. Napakamot siya sa ulo ko sabay ngiti.

"Napaaga ako ngayon, pampainit lang. Wala pa ako sa mood magtrabaho." Natawa ako ng mahina saka sumang-ayon sa kaniya.

"Ako nga rin."

Sabay kaming bumalik sa building na nasa tapat lang naman. Nagkwento siya ng mga hinanaing niya sa trabaho kaya hindi ko mapigilang matawa kasi puro kalokohan ang mga 'yon.

"Sa dami ng trabaho dito parang gusto kong magwelga. Kahit malaki pasahod aba!"

Natawa ako saka umiiling-iling. "Sige nga, magwelga ka. Support nalang ako." Sinimangutan niya ako kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.

Nang bumukas ang elevator sabay kaming lumabas. Natatawa parin ako kasi hindi parin tapos ang pagkukwento niya.

"Gusto kong magleave. Wala tuloy akong girlfriend dahil sa sobrang busy."

"Baka wala talagang nagkakagusto." Biro ko.

Jeff is nice. Hindi siya gwapo pero hindi rin siya pangit. Medyo mababa rin ang height niya para sa isang lalaki. 5'5 ako at siya parang 5'5 lang rin ata. Mas matanggap lang ako kasi may heals. Medyo payatot rin siya at may iilang tigyawat sa mukh. Maputi pero hindi sobrang puti.

But it's not about the looks. Sa panloob rin naman nagbabase ang iilan. He's nice as a guy. He is full of humor. But for me, I prefer the silent and cold one.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon