Kabanata 34

329 12 6
                                    

"Arghhh!" Impit na sigaw ko dahil parang may tumutusok sa utak ko. Kanina pagkagising ko halos mamatay na ako dahil sa sakit.

Migraine hits me so hard and I couldn't even stand. Kanina pa ako nakahiga at kulang nalang magpagulong-gulong ako. Uminom na ko ng painkiller pero ang sakit parin.

Parang may tumutusok at parang nabibiyak ang ulo ko.

"Mommy are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zed kaya ngumiti ako kaahit sobrang sakit para mapanatag siya.

"Yes baby, doon ka muna sa labas." He nod pero ilang sandali pa siyang nagtagal para tingnan ako.

Agad kong piniga ang ulo ko dahil sa sakit ng makaalis siya. It's so fucking hurt! I already called Terry earlier to inform Ma'am that I'll be absent because I'm sick. Umuoo naman siya kaagad at kinamusta ako.

Hindi ko alam kung bakit inatake ako ng migraine. Dinalawa ko na ang painkiller pero mas lalo lang lumalala. Migraine, I hate it.

Biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko 'yon kaagad habang namimilipit sa sakit.

"Where are you?" Boses ni Zaid ang narinig ko kaya natigilan ako saglit.

"Zaid, migraine ako. Absent muna ako ngayon." Mabilis na sabi ko habang iniinda ang sakit na parang tinutusok.

"What? You okay? I'll visit you..."

"Arghh! No it's fine. Mawawala rin 'to." Napadaing ako sa sakit at biglang gumulong sa kama.

"Zel? What the fuck? I am in the middle of meeting. After this I'll visit. Should I buy meds? Painkiller? Yeah, yeah." Alingangang sabi niya.

Nasa meeting nga ata siya kasi rinig na rinig ko ang mga boses sa kabilang linya. Agad kong binaba ang tawag kasi nasa meeting siya. Ininda ko ang sakit. Ilang ulit na akong nagkamigraine kaya hindi na bago 'to.

Sinusumpa ko na ang pagpupuyat!

"Mommy? Are you okay?" Tanong ulit ni Zed na kakapasok lang ulit.

I smiled and nod at my son. "Yes Baby, don't worry."

Medyo naging okay na kaya uminom ako ng maraming tubig bago umupo sa sala kung nasaan si Zed. Kada minuto tinitingnan niya ako na para bang binabantayan niya kung ayos pa ba ako o hindi. Ngumingiti lang ako para hindi siya mag-alala pa.

My son is already a grown up boy.

Unti-unti na ring nawawala ang sakit pero hindi pa tuluyan.

Natatawa ako kapag nagtatumbling tumbling siya sa harapan ko habang sumasakay sa laruan niyang kotse.

I am completely fine now. Tumalab na ang painkiller na ininom ko. Papasok siguro ako after lunch.

"Mommy where is my book?" Tanong ni Zed habang nanonood ako ng tv.

"Sa kwarto Zed." Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kwarto namin kaya pinagpatuloy ko ang panonood.

Ilang sandali lang may nagdoorbell kaya dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa pinto. Baka kabit bahay na bagong lipat. Nakangiti kong binuksan ang pinto, pero hindi ko inaasahang tao ang nakita ko.

Natigilan ako.

Parang nahulog ang puso ko dahil sa kaba ng magtagpo ang mga mata namin ni Zaid.

"Z-zaid?" Kinakabahang tanong ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago humakbang papasok. Napaatras naman ako dahil sa gulat. Siya na ang kusang nagsara ng pinto.

"Hindi ka nagrereply." Sabi niya bago tingin ulit sa kabuohan ko.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon