Kabanata 13

177 9 2
                                    

"Zel siya pala ang may-ari ng mansyon diyaan?!" Gulat akong napatalon ng kaunti dahil sa biglang pagsigaw ni Lexi.

"Ha?" Pagmamaang-maangan ko na parang hindi ko alam na si Zaid ang tinutukoy niya.

Pinakita niya sa akin ang cellphone niya kung saan may stolen picture ni Zaid na naglalakad palabas ng gate ng mansyon?

Tinaasan ako ng kilay ni Lexi. "Kaya pala gustong-gusto mong ikawa ng naghahatid ng mga sapin-sapin ni Lola noon? Ano? Patago kung lumandi? Bilib rin ako sa'yo. Paturo nga."

Hindi ko nalang pinatulan si Lexi kaya pairap niya akong iniwan. Napaupo ako sa isang monobloc chair sa mesang kainan namin matapos ang isang minuto.

"Zel ano mag-aaral ka pa ba? Nagiging batugan ka na ah. Mag-aral ka. Baka buntis ka na sa makalawa!"

Dali-dali akong nagbihis ng marinig ang boses ni Tita Lux. Hindi ko maiwasang mapaluha habang nagsusuklay.

"Zel! Bigyan mo ng baon si Lexi, two hundred. Hindi nagbilin si Mama." Gulat akong napatingin kay Tita sa sinabi niya.

"Po? Pero....."

Pinanlisikan niya ako ng mga mata. "Ano! Nagrereklamo ka? Hindi ka magbibigay? Nagdadamot ka? Pinapakain ka na nga dito may gana ka pang magreklamo!"

Umiling ako saka kumuha ng pera at binigay sa kaniya. Hinablot niya 'yon sa kamay ko bago umalis habang nagsasalita parin ng mga masasakit.

Bigo akong napatingin sa wallet ko. Hinabol ko ng tingin si Tita na ngayon ay nagbibigay na ng pera ko kay Lexi.

Ako nga nagtitiis na hindi makapagmeryenda, agahan lang okay na ako.  Pinapagustuhan nila si Lexi kahit walang-wala na. Wala naman akong magagawa.

"Zel! Tupiin mo muna ang mga damit ko bago ka umalis!" Nanatili lang ang tingin ko kay Tita.

Inis siyang lumapit sa akin saka malakas akong binatukan kaya napayuko ako dahil sa impact at napaluha sa sakit. Nagpunas ako ng luha saka nag-angat ng tingin.

"Tita, mamaya na p-po. Malelate na po kasi ako......"

"Abay bahala ka! Basta tupiin mo ngayon din! Nagrereklamo ka?"

I shook my head and quickly walk towards their room. Hinimas ko ang bandang uluhan ko kung saan niya ako nabatukan, medyo masakit. Minadali ko ang pagtutupi para hindi ako malate.

"Tita aalis na po ako."

Inismiaran niya lang ako saka hindi na tiningnan pa. Nagmadali ako papunta sa pila ng trisikel saka nagpahatid sa MC. Pagkarating ko agad akong tumakbo papunta sa unang klase ko at nakahabol naman ako.

"Zel bilis may quiz! Pakopya!" Natatawang sabi ni Ella.

"Uy dating gawi ah."

Agad ngang namigay ng questionnare ang prof namin. Humahagikgik si Ella habang sinisipa ang upuan ko. Nag-uusap usap na rin sila para magkopyahan. Sa kauna-unahang pagkakataon nagpqtay malisya ako sa lahat ng tawag at bulong nila.

"Boys at the back!"

Ako ng unag natapos sa pagsagot at kahit ni isa wala akong pinakopya. Nauna na rin akong lumabas pero ramdam na ramdam ko ang matalim na mga mata ni Ella na nakasunod sa akin.

Nagpunta ako sa library para magbasa habang hinihintay ang susunod na klase. Nasa gitna ako ng pagbabasa ng may biglang umupo sa harap ko.

"Nakakapikon ka na Zel ah, bakit hindi mo ako pinakopya?" Sagad na sabi ni Ella kaya natawa  nalang si Mace.

Napalunok ako. "Hindi kasi sure sa mga answer ko, hindi ako nakapag-aral. Baka mali." Pagdadahilan ko.

Napairap siya saka binigay sa akin ang isang notebook. "Okay, pakiasagot naman. Salamat."

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon